Alex Gonzaga, napaka-unprofessional?!

ADVERTISING

Alex Gonzaga, napaka-unprofessional?!

Alex Gonzaga, napaka-unprofessional?!KAYA RAW walang nangyayari sa career nitong si Alex Gonzaga (kapatid ni Toni), dahil sa pagiging unprofessional nito towards her work.

Kuwento ng isang P.A. sa dating show nito sa TV5 na Juicy at Paparazzi, bad trip ang mga kasamahan niyang co-hosts dahil imbis maaga makapagsimula at matapos ang kanilang taping, palaging late kung dumating ito sa TV5 Novaliches na ang palaging alibi ay “ma-traffic” ang pinagmulan niya sa Taytay (kung saan siya nakatira) papuntang Nova.

Tuloy, hindi nabago ang dahilan ni Alex sa mga co-host niya na minsang sinagot siya ng isa sa mga kasamahan na: “ Kung ma-traffic, she should leave early. Nakakahiya naman sa ibang mga taong naghihintay sa kanya.”

At the moment, si Alex visible sa pasulpot-sulpot niyang interview sa The Voice of the Philippines. I just don’t know kung may pagbabago sa sinasabing “always late” attitude niya na inirereklamo ng mga dating kasamahan niya sa TV5.

ADVERTISING

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING