Alex Gonzaga, muntik nang magkaroon ng bading na karelasyon

Alex Gonzaga, muntik nang magkaroon ng bading na karelasyon

Alex-GonzagaMAGKAPAREHO NG taste sa lalaki ang magkapatid na Toni Gonzaga at Alex Gonzaga. Una, pareho silang madaling mapaniwala na tunay na lalaki ang kanilang nagugustuhan.

‘Di ba si Toni ay na-in love daw noon sa kasamahan sa TV show na balitang pinagdududahan din ang gender? Tulad din ni Alex na nagkaroon ng manliligaw na isang certified na bading, pero ayaw niyang maniwala.

Mahina raw kasi silang magkapatid kumilatis ng lalaki na may berdeng dugo. Alam nila na kapag ikaw ay nanligaw ng babae, isa kang tunay barako.

Pero hindi rin raw nagtagal ay nabuko ni Alex na isang bading ang manliligaw kaya kaagad na nawalan ng gana sa lalakwe na manlliigaw.

Ngayon ay zero ang lovelife ni Alex at hindi raw niya priority ang mag-entertain ng kahit na sinong lalaki. Pero kung mai-in-love daw siya uli, sisiguruhin niya na ito ay tunay na lalaki.

When asked kung bakit siya lapitin ng mga lalaking may berdeng dugo, sabi ni Alex, baka raw naaaliw sa kanya ang mga ito kaya gusto siyang ligawan. At baka raw dahil sa pagiging babaeng bakla niya.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo