Alex Gonzaga, masyado nang OA, masyado pang feeling big star

ADVERTISING

Alex Gonzaga, masyado nang OA, masyado pang feeling big star

Alex Gonzaga
Alex Gonzaga

Para sa marami, masyadong OA itong si Alex Gonzaga.

Hindi lang OA kundi masyadong feeling ang younger sister ni Toni Gonzaga.

Imbiyerna ang ilang fans nang makalmot ni Alex Gonzaga si Luis Manzano recently. Ipinost ni Luis ang photo ng kanyang braso na may kalmot.

Kara-karaka namang nag-explain si Alex kung bakit niya nakalmot si Luis. Ang paliwanag niya, nagpa-planking siya nang ilagay sa bibig niya ang basang T-shirt ni Luis kaya nakalmot niya ang binata.

ADVERTISING

Kahit na, mali pa rin siya sa mga mata ng fans ni Luis.

“To Cathy Bakya, bilog ang mundo, matutong mapagkumbaba bawasan ang pagka maldita. Totoo naman annoying ka bawasan ang arte ng unti,” say ng isang fan.

“OA naman kasi, ang harot mo@cathygonzaga. Parang may maeksena Lang.”

“Alex is super annoying-not funny at all!”

Ilan lang ‘yan sa comments ng mga taong imbiyerna sa younger sister ni Toni Gonzaga.

Actually, marami ang nao-OA-yan kay Alex. Masyado siyang feeling, akala mo big star kung umasta, gayong starlet to a pine tree proportion naman.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING