Alex Gonzaga, malaking sugal ang gagawing concert

ADVERTISING

Alex Gonzaga, malaking sugal ang gagawing concert

Alex-GonzagaISANG MALAKING sugal para sa producer na si Joed Serrano (formerly with That’s Entertainment) ang “relent” ni Alex Gonzaga. Aminado siya na tulad sa sugal na ginawa niya sa first major concert n komedyante na si Vice Ganda na noong panahon na ‘yun ay wala pang nagtitiwala kay Vice, hindi siya nag-atubili na i-produced ito sa Araneta Coliseum na no one expected na maging hot at full packed.

ADVERTISING

Sa kaso ni Alex na natuwa lang siya nang mapanood niya sa segment nito na “karaoke-sing along” ang peg, hindi nagdalawang-isip si Joed na sugalan ang concert nito na “AG from the East: The Unexpected Concert”.

Sa totoo lang, hindi barya ang ipupuhunan ni Joed kay Alex. Siguro, gagastos ng P3-5 million si Joed or mahigit pa para sa komedyante na suntok sa buwan kung kikita ang concert nito o hindi.

Pero may tiwala si Joed kay Alex. Sa panimula ng teleseryeng Inday Bote ng Dreamscape Entertainment para sa Kapamilya Network, magandang mileage na ito para lalong makilala si Alex.

ADVERTISING

Sa presscon ng concert ni Alex, maging siya hindi pa rin alam kung ano ang concept ng kanyang show. Ang Ate Toni niya, tinuturuan na siyang mag-prepare para sa nalalapit na concert sa April pagkatapos ng Holy Week.

As of this writing, hindi pa malinaw kung sino ang magdi-direk, sino ang mga special guests ng komedyante.

Ang tanong, keri na kaya ni Alex ang makipagsabayan sa mga “tunay “ na mga performers na nagko-concert sa Araneta?

Kapag nag-hit ang concert niya, made na siya. Pero kung sumablay, goodbye stardom.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING