Alex Gonzaga, mahihirapan ‘pag nag-asawa na si Toni Gonzaga

Alex Gonzaga, mahihirapan ‘pag nag-asawa na si Toni Gonzaga

Toni-Gonzaga-Alex-GonzagaLUMAKI NAMAN kasi sina Toni Gonzaga at Alex Gonzaga na magkasama talaga bilang magkapatid na hindi halos nagkakahiwalay hanggang sa silang dalawa ay magdalaga. Kaya nga ngayong klaro na ang plano tungkol sa pagpapakasal ng TV host kay Direk Paul Soriano, kinakabahan si Alex kung mayroon bang magbabago sa closeness nilang magkapatid kapag natuloy na ang kasalan. Sa probinsiya kasi, talagang nagkakaroon ng pagbabago tungkol d’yan.

Kasi nga, ang lalakI ay isasama sa kanilang poder ang kanyang mapapangasawa para roon sila magsama. Mahihirapan si Alex sa sitwasyong iyon, dahil hindi talaga siya sanay na nagkakahiwalay silang dalawa ni Toni. Bilang bunso, sobrang saya niya nu’ng sumikat na talaga ang kanyang ate na hindi nagbabago ang kanilang closeness, dahil sobrang ate pa rin talaga ang drama sa kanya ng karelasyon ni Direk Paul.

Kahit magkapatid sila ay sobrang idol ni Alex ang kasipagan ng kanyang ate. Kaya nga ngayong nakalipat na siya sa ABS-CBN, ang sipag-sipag din niya. Pareho na sila halos walang pahingang magkapatid ngayon. Ilang pelikula pa ang nakatakdang gawin ni Toni bago sila makasal ni Direk Paul, at isa sa natapos na niyang project ay ang You’re My Boss ng Star Cinema kapareha si Coco Martin. Habang si Alex naman ay bida sa teleseryeng Inday Bote ngayon.

ChorBA!
by Melchor Bautista