Alex Gonzaga, magko-concert sa Araneta

ADVERTISING

Alex Gonzaga, magko-concert sa Araneta

1 Alex-GonzagaMAGKO-CONCERT na rin si Alex Gonzaga. Malakas ang loob ni Joed Serrano na isabak siya sa concert scene on April 25 sa Araneta Coliseum pa.

ADVERTISING

“Actually, nakakaba po talaga pero hindi naman po ako ang producer, siya po (Joed Serrano) ang producer kaya siya po ang bahala,” natatawang pahayag ni Alex.

“Pero honestly, pinag-pray ko po ito. Maraming beses po namin itong pinag-usapan, tapos nangulit po si Kuya Ed, pati daddy ko na-convince niya, so iniisip namin na baka naman talagang blessing ito, kasi ‘di ba? We accept naman po challenges and at the same time, nagpapasalamat po talaga ako kay Kuya Joed kasi nagtiwala po talaga siya,” patuloy na kuwento ni Alex.

Ayon pa sa TV host/comedienne, wala raw siyang balak magpa-impress on her concert. “Hindi ako ‘yung magpi-perform na kailangan magaling… na kailangang very talented ako… ang ipakikita ko lang dito ay kung ano talaga ako at ang gusto ko, mag-i-enjoy ang lahat.

ADVERTISING

“Pero huwag silang mag-alala, ‘di ko masyadong gagalingan para hindi masyadong mainggit ang audience. Hahaha! Kaya ipakikita rin namin sa concert ‘yung mga mistakes,” biro pa niya.

Bilang paghahanda, magbo-vocal training si Alex at magda-dance workshops. Hindi na rin daw muna siya iinom ng malamig at kakain ng sweets.

Dalawa pa lang ang confirmed guests ng dalaga sa concert at ito ay ang kapatid niyang si Toni at ang kaibigan niyang si Maja Salvador.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING