Alex Gonzaga, lumabas ang bra habang nagko-concert

Alex Gonzaga, lumabas ang bra habang nagko-concert

Alex-GonzagaNAGKAROON NG wardrobe malfunction sa concert ni Alex Gonzaga recently sa Smart Araneta Coliseum.

While performing ay lumabas ang bra ni Alex. But professional that she is, itinuloy pa rin niya ang kanyang performance na parang walang nangyari.

Pero kahit na nagpaka-professional na ay lait pa rin ang inabot ng dalaga. Puro nega ang karamihan sa reactions ng mga tao sa isang entertainment website. Ang feeling nila ay sinadya iyon ni Alex para pag-usapan.

“TRYING HARD NAMAN TALAGA TONG SI ALEX PERO AT LEAST SHE TRIED HAHAHHAHA PARA ALAM NYA NA HUSTO LANG SYA SA OA,” one guy commented.

“Wardrobe malfunction nga ba or parte talaga ng act para may kakaibang patawa?” pang-aasar naman ng isa pang ayaw kay Alex.

Meron naming nagsabing, “FLOP na FLOP. Namigay na ng mga tickets wala pa rin nanonood sa DA WHO na ito.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas