Alex Gonzaga: Kikay Princess Diary

ADVERTISING

Alex Gonzaga: Kikay Princess Diary

WHOOOT! ISANG HOST ng Juicy at Prinsesa ng TV5 ang ating naka-chitchat. Si Alex Gonzaga lang naman. Marami sana ang magandang usapan namin, kaya lang in-edit ko nang matagal din, huh! Almost 1 ½ hours ‘ata ang interview, kaya lang kulang tayo sa espasyo. Masayang kausap si Alex at hindi pahuhuli. Ayon sa kanya, mahilig siya sa ‘malling’ at mas relax siya sa ganu’ng paraan. Naks! In-fairness, ‘di naman siya magastos at ang totoo niyan marunong siya kung paano ayusin ang kanyang pinagpaguran.

ADVERTISING

Sige, ‘eto na ang maganda at seksing tsikabebs Alex, “Ako iyong pinaka-youngest. Eh, dalawa lang kami. So, ako na talaga iyong pinaka!”

Talaga? Sa paningin ko hyper ito, active, kalog, lukaret, mabait, masayahin, prangka at sa aking paningin siyempre, beauty! At nagkakasundo kami sa pagpapatawa. “Ako nga, boy ang tawag ng daddy ko sa akin. ‘Di po ako spoiled sa mommy at daddy ko eversince nu’ng bata kami, dinidisiplina kami at saka ayaw nila nu’ng may mga tantrums.”

Binigyan ko ng biscuit, huh, kaya habang sumasagot sa tanong ngumunguya, he-he-he… “Uhhmn, kasi po… kasi binigyan ako ni Maestro ng pagkain, kumain tuloy ako.”

ADVERTISING

SOURCE OF HAPPINESS

“Masaya ako, ‘yung pinaka-peak ng happiness ko eh, kapag nanonood ako ng DVD at ng sine.” Ah okey, talagang sa sine ka nanonood? ‘Di ka ba nangangamba sa loob ng sinehan? Ako kasi nangangamba diyan, eh. “Bakeeet?” Eh! ‘Pag may umutot d’yan, masisinghot mo eh, he-he-he… hati-hati kayo. “Ay hindi! Ako kasi iyong umuutot… charrrr! Ha-ha-ha-ha! Hindi naman, ako minsan kasi iyong umuutot.”

LAMBING NI MOMSEY

Ano ang tawag sa iyo ng momsey mo? “Catherine! ‘Pagka mabait, bunsoow! Pagka galit, Katherinnnnn!” Pag galit na galit ba, tawag sa ‘yo Katkat? “Hinde, buwiset ka! “ Iyon nadale, ha-ha-ha!

Nakita kita, may hawig ka kay Kim Chiu pero mas maganda ka. “Sige paki-ulit po sinabi n’yo para marinig maigi sa tape recorder!” Kaya lang sabi ko ‘wag kang maingay kasi kapag narinig tayo baka may mag-react, ha-ha-ha!

SIKRETO NG PAGIGING SLIM & SEXY

“Mahilig ako sa fried chicken saka lahat ng klase ng luto ng manok; tinola, pininyahan… kaya araw-araw iyon yata ang ulam namin.” Sa klase, malakas ang panunaw mo? ”Panunaw? Ako, oo! Tingin ko nga rin, eh,” Kasi mantakin mo mga fats iyong mga kinakain mo pero sexy ka’t slim. Sabagay, may mga ganu’n na malakas ang metabolism, nyaks!

TV5 SHOWS

“Ah, Juicy po. Meron ako Lokomoko U every Thursday iyon. May Everybody Hapi ako kasama si John Estrada, Tita Nova, Long Mejia. Tapos meron din akong PO5, iyong katapat ng Party Pilipinas. Kasama ko sina Ms. Lucy, Ryan Agoncillo, lahat po ng stars ng TV5 nandu’n. Tapos namimigay kami ng kotse! Ang PO5, wala silang pakialam namimigay talaga sila ng kotse! (Ang yaman naman nito, makadikit nga kahit manibela lang ang sa akin.) Tapos BFGF, every Sunday with direk Joyce Bernal.”

KAPAG GALIT SA POPSEY AT MOMSEY

‘Pag galit ka naman sa dad mo, tinatawag mo sa pangalan niya? “Oo, minsan, Bonoy! May Facebook nga ako daming nag-react, sabi ko pinagalitan ako, wala akong malabasan ng sama ng loob, nilagay ko sa shoutout ko, ‘I hate Bonoy and Pinty!’ ‘yung mga magulang ko. Naku, nagalit iyong mga tao! Sige na nga in-erase ko na.” He-he…

VACUUM GIRL

“Ay, nagba-vacuum ako palagi, naglilinis po ako ng CR. Kahit anong oras na umuwi ako, kasi minsan hindi nalilinis ng mga nandu’n, kasi nila-lock namin iyong kuwarto. Iyan ang gusto ko, magwalis! Favorite ko ang mag-vacuum.”

Well, ‘wag kang masyadong mag-vacuum kasi baka may dumalaw saiyong manliligaw tapos galit ka, akala mo nakaalis na, ‘yun pala nasa vacuum na. “Pero nangyayari na nga ‘yan kasi kahit may bisita ako, sabi ko marami lang dumi sa ilalim, akala nila pinapaalis ko na sila, he-he!”

KULITAN LANG

“Ah hindi po ako mahilig sa alahas, mahilig ako sa bags!” Ano, mga Louis Vuitton? “Ah, mga Chanel, na pinagagalitan ako ng nanay ko, so, tinatago ko siya lagi.” May bag ka rin bang Divi? “Ah, Divisoria! Ha-ha-ha-hah! Ngayon wala pa. Makapunta nga minsan.”  Ay, maraming mura du’n, mga Louis Bitin, he-he-he.

Well, kung ipe-paint kita, sino ka talaga? “Tsismosa! Kahit guard kinakausap ko, he-he!”

NAGPAHULA SI ALEX

Nagtanong si Alex kung marunong akong manghula. O, sige okey, hinawakan ko ang palad niya. Ito pag ganu’n, kanan. Ah, ito pakaliwa. Itong pakaliwa kapag pumunta ka doon, kakaliwa ka; ito sa kanan, kakanan ka. Ito magkakaasawa ka ng lalaki tapos, magkakaanak ka ng babae at lalaki, tapos darating ang araw ay tatanda ka. “Ha-ha-ha-hah! Haaaay! ‘Di ko ini-expect ‘yun, ah?!” Galing ko manghula, ‘noh? Sikat ka, Alex!

Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.

ni Master Orobia

ADVERTISING