Alex Gonzaga, kakayanin na bang mag-Araneta?

Alex Gonzaga, kakayanin na bang mag-Araneta?

Alex-GonzagaHINDI PA rin nagsi-sink in sa kamalayan namin na sasabak na sa pagko-concert itong si Alex Gonzaga sa Araneta Coliseum.

Sana nag-testing the waters muna siya, like nag-Music Museum siya or Teatrino para matimpla niya ang audience kung mas gusto siyang mapanood in person o mas enjoy ang mga ito na pinanonood siya sa ASAP Karaoke lang.

Ilan ‘yung pupunuin mo sa Araneta? Eleven thousand seats? Juice ko, madugo-dugo rin ito, huh!

Saka pukpukang rehearsals ang dapat niyang gawin. Eh ang alam ko, nagta-thrice a week na siyang taping ng Inday Bote kung saan siya ang bida, tapos, malapit na rin ang The Voice Kids, kung saan me segment din siya rito.

Eh, paano namang hahatiin ni Alex ang seksi niyang katawan? Malamang, she has to give up The Voice Kids para makapag-concentrate lang sa kanyang concert at sa pagpo-promote nito.

Eh, baka naman masyadong naramdaman ng producer na it’s about time na mag-Araneta na agad si Alex at kung ito’y ipagpapaliban pa for next year ay baka hindi na kagatin si Alex. Otherwise, puwede naman nilang i-dress up ang venue para hindi mahalatang konti ang nanood.

Let’s see. Puwede rin namang mali ang analysis namin. Baka nga mag-SRO ang concert ni Alex. So let’s hope for the best. Love naman namin ang batang ‘yan, kaso, nate-tense lang kami.

Oh My G!
by Ogie Diaz