Alex Gonzaga, kabado sa pagbibida sa pelikula

ADVERTISING

Alex Gonzaga, kabado sa pagbibida sa pelikula

Alex Gonzaga
Alex Gonzaga

Hindi raw maalis ang kaba at kabog sa dibdib ng lead actress ng pelikula ng Regal Films na “My Rebound Girl” na si Alex Gonzaga sa magiging outcome, lalo na’t nalalapit na ang pagpapalabas ng pelikula nila ni Joseph Marco sa September 28.

Ayon nga kay Alex sa isang interview, “Iniisip ko ‘yun, pero ayaw ko munang isipin ‘yun, na ‘yun ‘yung priority mo. Siyempre ‘pag lumabas na ‘yung pelikula, iisipin mo rin siya na sana kikita siya.

“Lahat naman ‘yun wala naman na kaming control. Ang control lang namin ay ang pelikulang ginawa namin.”

Umaasa si Alex na susuportahan ang kanilang pagbibida ni Joseph ng kanilang supporters.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING