Alex Gonzaga, kabado sa first solo concert

Alex Gonzaga, kabado sa first solo concert

Alex-GonzagaHINDI RAW maiwasang kabahan para sa kanyang kauna-unahang concert ang multi-talented na si Alex Gonzaga, entitled “AG from the East: The Unexpected Concert” ng CCA Productions and MGM Productions na mapapanood sa Araneta Coliseum sa April 25, 2015.
Tsika nga ni Alex, “Siyempre may kaba pero excited. Mas excited po talaga, kasi hindi naman ako magpe-perform, kasi ayoko namang nagpe-perform kasi sobrang galing ko, kasi kailangan talented ako. Ang ipapakita ko lang dito, kung ano talaga ako at ‘yung mag-e-enjoy ‘yung lahat.
“Siyempre ayoko naman na yung mga tao mainggit, kasi sobrang talented ako. Hahaha! Kaya ang ipapakita ko, ‘yung mga mistakes, na puwedeng mangyari sa concert.”
Live or LS (lipsync)? “What is LS? Lipsync? You know me? Ang tagal ko na sa industriya, kailan ako nag-lipsync? Hahaha! Kailan naman ako nag-concert? Hahaha! Siyempre, ita-try natin na hindi tayo mag-lipsync,” pagtatapos ni Alex.

Marian-RiveraMarian Rivera launches her BENCH Scents Collection


NAGING MATAGUMPAY
ang launching ng sariling scent ng pabango ng Primetime Queen ng GMA 7 na si Marian Rivera, ang “Inner Beauty by Marian Rivera” by Bench Celebrity Scents Collection na ginanap sa Trinoma Activity Center last Feb. 28, 2015, hosted by Sam Rodriguez.
Isang bonggang dance number, at pagpasok ng mga hunk foreign male models na sinundan ng isa pang dance number kasama si Marian ang naghudyat ng panimula ng launching ng pabango ng Kapuso Primetime Queen.
Ang apat na variety ng pabango ni Marian ay binubuo ng Perfect Love, Perfect Kiss, Perfect Moment, and Inner Beauty.

John’s Point
by John Fontanilla