Alex Gonzaga, gusto nang bumalik ng bahay si Toni Gonzaga

Alex Gonzaga, gusto nang bumalik ng bahay si Toni Gonzaga

Toni-Gonzaga-Alex-GonzagaHUMARAP SINA Alex Gonzaga at Ejay Falcon sa press kamakalawa para sa pagsasama nila sa Wansapanataym, I Heart Kuryente Kids na ididirek ni Andoy Ranay sa ABS-CBN. From sexy role, naging wholesome ang gagampanan ni Ejay sa serye na magsisimula nang umera next week sa Dos.

Ayon kay Ejay, matagal na niyang dream na gumanap na isang super hero, kaya walang problema sa kanya kesehodang super daring ang porma ng kanyang costume sa Kuryente Kids, dahil this time ay mapapanood na siya ng mga kabataan.

“Noon ko pa pangarap gumanap na super hero. Thanks sa Dreamscape Production sa pagtitiwalang ipagkaloob sa akin ang matagal ko nang dream role. Dito ay puwede nang panoorin ng mga kabataan ang aking serye at makakasama ko pa for the first time si Alex na hindi na matatawaran ang acting pagdating sa pagpapatawa at seryosong role,” say ni Ejay.

Natawa pa si Ejay at aliw-aliw sa pagiging kikay ni Alex nang magkasama sila sa story conference. Kabaligtaran daw kasi ni Alex ang ugali nila. Siya raw ay super tahimik lang, samantalang super daldal at kaaliw raw kasama ang utol ni Toni Gonzaga.

When asked kung posible bang mahulog ang loob niya sa isang tulad ni Alex na kasing-seksi rin ng ex-girlfriend niyang si Yam Concepcion? “Ayoko ko pong magsalita nang patapos. Who knows po? Ngayon lang po kami nagkasama ni Alex,” nakangiting say ni Ejay.

Nang si Alex naman ang tanungin ng press kung posible bang mabighani siya sa isang tulad ni Ejay? “Ako naman po, hindi tumitingin sa hitsura ng isang tao. Dapat kilalanin mo muna siya nang mabuti. Dapat puso ang magsabi kung siya na nga ang para sa iyo. Right now po, nakatuon ang pansin ko sa aking showbiz career. Wala pa sa isip ko ang pagtuunan ng pansin ang tawag ng pag-ibig,” say ni Alex.

Dahil mainit pa ang balitang umuwi sa kanilang bahay ang kanyang Ate Toni, naitanong tuloy kay Alex ang reaksiyon sa pagbabalik-bahay ng kanyang kapatid. Kinailangan kasing umuwi ni Toni sa kanilang bahay sa Taytay, dahil ayaw nitong mag-isa lang sa kanilang condo-unit ni Direk Paul Soriano.

Si Direk Paul ang producer ng indie movie na pagsasamahan nina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual na ididirek naman ni Lav Diaz. Kailangan daw nasa shooting si Direk Paul para makasama at mabigyan ng tamang guidance ang mga involved sa shooting ng movie na tatagal nang 4 to 5 days.

Kaya nagdesisyon si Toni na kesa mangulilang mag-isa sa condo nila ni Direk Paul, nagpasya itong bumalik muna sa kanilang tahanan sa Taytay sa piling ng mga magulang at kapatid na si Alex.

Ayon kay Alex, natural na natuwa siya dahil may kausap at katsikahan na naman siya nang magbalik tahanan ang ate niya. Pero at the same time, nalungkot din daw siya dahil nasasanay na siyang wala ang Ate Toni niya sa kanila. Tapos, ‘eto at biglang umuwi para lang takawin siya na makasama muli, pero hindi rin magtatagal ay aalis uli para iwanan sila.

Anyway, kapag kumpleto na raw ang gamit sa condo ng Ate Toni niya, madadalas na raw ang pagdalaw niya rito at baka roon na rin daw siya matulog kapag may taping or shooting din lang siya sa ABS-CBN.

Kahit ano raw ang mangyari ay hindi magagawa ni Alex na hindi makita or makausap ang kanyang Ate Toni. Dalawa lang daw kasi silang magkapatid at super close pa sa isa’t isa.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo