ALEX GONZAGA, FEELING BIG STAR NA?!

ADVERTISING

ALEX GONZAGA, FEELING BIG STAR NA?!HOW TRUE NA lumaki na ang ulo ni Alex Gonzaga? Feeling big star na raw kasi ngayon ang dalaga. Hindi na raw ito maabot kung umasta.

Sa Fantastik! na Sunday noontime show ng dalaga, gusto raw ni Alex na kapag siya ang sinalang ay tuloy-tuloy na. Ayaw niya raw na nakatengga siya at naghihintay para isalang muli. Hindi raw niya type ang maghintay dahil ang dami nga naman nila sa cast ng nasabing show.

ADVERTISING

Also, ayaw raw sundin ni Alex ang stylist na ibinigay sa kanya. One time, pretty girls ang tema ng production number ni Alex kasama ang tatlo pang babae sa show. Hindi raw kagandahan ang damit nitong pink at pinapapalitan ng stylist niya ng isang mas sosyal na damit. Aba, deadma raw ang Alex. Parang wala raw itong narinig.

May pakiramdam naman daw ang stylist, kaya hinayaan na lang niya si Alex na suotin ang gusto niyang suotin.

At sa Juicy naman daw ay problematic pa rin ang taga-production. Habang nasa stage na ang mga hosts nitong sina Cristy Fermin, Mo Twister, IC Mendoza at Shalala ay nasa dressing room pa raw si Alex at palaging pinaghihintay ang kanyang co-hosts. Kaya raw palaging nasisigawan si Alex ng kanilang executive producer.

ADVERTISING

True ba ang lahat ng ito, Alex? Pakisagot nga!

FOR THE LOVE of his mother ay may bagong show na prinodyus si Ariel Villasanta ng Ariel and Maverick tandem para sa kanyang inang si Mommy Elvie. The title of the show is Mommy Elvie@18. It’s a reality TV show na magbibigay ng kasagutan sa 18 wishes ni Mommy Elvie. At siyempre, may participation sa show si Cristina Decena na dyowa ni Ariel.

“Moral support lang ako. Kasi si Ariel ang nag-produce nito three years ago, ‘di ba? Sabi ko ipagpatuloy mo uli, kasi nung nakita ko ‘yung Mommy’s Problematic show, naniniwala ako doon sa theme nila. Ang galing nilang magpatawa, hindi corny. Ngayon, siya ang nag-produce at tinulungan ko sila sa marketing,” paliwanag ni Cristina.

Napahanga ni  Cristina si Ariel dahil sa ipinakita nitong pagmamahal sa kanyang inang si Mommy Elvie. Katabi kasi nilang matulog ang ina ni Ariel.

“Kasi nag-iisang anak si Ariel, so ayoko namang habang magkasama kaming mag-asawa,

naaalala namin si Mommy, kasi siya lang mag-isa.  Para wala kaming ganoong iniisip, kinuha ko na lang. Ngayon kasi, si Ariel gustong dalhin ako sa Provident, eh, single parent ako na may limang anak. Para mapagbigyan lahat, kinuha ko na lang si Mommy. Itinira ko na sa condominium namin,” lahad ni Cristina.

BLIND ITEM: NALOKA ang wardrobe department ng isang TV production sa isang beauty queen-actress. Napa-kaarte raw pala nito. Role ng isang mahirap ang gagampanan ng hitad sa isang once a week drama anthology ng isang network. Siyempre, mga daster ang dapat niyang suotin.

Nang sabihan ang beauty queen-actress na merong mga daster ang wardrobe department ay medyo natuwa naman ito. Kaya lang, mukhang hindi nakapasa sa panlasa ng aktres ang mga damit. Ang una ba naman nitong tanong ay “Nasaan ang price tag nito?”

Naloka siyempre ang wardrobe mistress. First time kasi siyang natanong kung nasaan ang price tag ng mga damit. Ang gusto pala ng aktres, brand new ang ipasuot sa kanyang damit kaya hinahanapan niya ito ng price tag. Hindi raw siya nagsusuot ng damit na sinuot na ng ibang tao.

Ito ang nakakatawa. Nagmaganda ang aktres na meron siyang mga dalang damit. Okay lang naman sa wardrobe department. Ang kaso, kulang ang dalang damit ng aktres, kaya naman natawa sila ng palihim nang itanong ng aktres kung nasaan na ang damit na pinasusuot sa kanya.

‘Ayun, isinuot din ng aktres ang damit na nung una’y inaayawan niya. ‘Kaloka siya, ‘di ba?

Sinex siya? Naku, minsan na niyang pina-hanga ang buong universe sa taglay niyang kagandahan. ‘Yun na!

ALEX GONZAGA, FEELING BIG STAR NA?!
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING