Alex Gonzaga, Donnalyn Bartolome, Zeinab Harake at Michelle Dy bumida sa ‘Four Sisters and a Welding’ parody

NAABOT NA talaga ni Alex Gonzaga ang rurok ng tagumpay sa pagiging vlogger. Hindi man niya malagpasan ang achievements ng kanyang Ate Toni pagdating sa showbiz ay ‘di hamak naman na nakahanap ito ng kanyang niche sa vlogging.

Para ipagdiwang ang 4th Year Anniversary ng kanyang YouTube channel ay naisipan nitong gumawa ng parody ng iconic movie ng kanyang Ate Toni na ‘Four Sisters and a Wedding‘. Sa version ni Alex ay naging ‘Four Sisters and a Welding‘ na ito.

Alex Gonzaga, Donnalyn Bartolome, Zeinab Harake at Michelle Dy bumida sa 'Four Sisters and a Welding' parody
Alex Gonzaga, Zeinab Harake, Donnalyn Bartolome and Michelle Dy

S’yempre, si Alex ang humalili sa panganay role ng kanyang Ate Toni. Sinuportahan naman siya ng fellow vloggers na sina Donnalyn Bartolome (Bea Alonzo), Zeinab Harake (Angel Locsin) at Michelle Dy (Shaina Magdayao). Pati ang mga pangalan ng karakter nila ay naging Cheddie, Boobie, Chalex at Gabbit.

Under the direction of Fifth Solomon na naging super friend ni Alex ay natupad din ang dream parody ni Alex. Idagdag pa na si Mommy Pinty pa mismo ang gumanap na nanay nila (Coney Reyes ang peg!). May special participation din ang original Teddy na si Toni Gonzaga at may pa-chararat comment din ang totoong Angel Locsin. Lumabas din ang dyowa ni Zeinab na si Skusta Clee ng Ex Battalion, na nahuli niyang ‘sinisipsip’ si Mocha! Winner!

Katulad ni Alex, may mga controversies din na kinasangkutan ang kanyang mga fellow vloggers na featured sa parody video na ito. Pati ‘yun ay nabanggit sa video na kung followers ka ng mga ito ay magegets mo ang mga inside jokes nila.

Para sa inyo: Who did it better? Ang Team Orig ba nina Toni, Bea, Angel at Shaina, o ang Team Parody nina Alex, Donnalyn, Zeinab at Michelle? VOTE NA!

Previous articleVLOG WATCH: Erich Gonzales react to old photos!
Next articleRaymond Gutierrez umamin sa pagiging proud member ng LGBTQ