Alex Gonzaga doesn’t want to work with Kean Cipriano anymore?!

ADVERTISING

 

Alex Gonzaga doesn’t want to work with Kean Cipriano anymore?!

ADVERTISING

Alex Gonzaga doesn’t want to work with Kean Cipriano anymore?!HIGHLY RECOMMENDED PALA ni Direk Wenn V. Deramas si Alex Gonzaga sa Viva Films kung kaya agad-agad itong pinapirma ng kontrata ni Boss Vic del Rosario sa kanyang kumpanya.

Apat na pelikula ang gagawin ni Alex under Viva Films kung saan ire-remake ang mga pelikulang comedy ang tema, gaya ng Gagayni Gelli de Belen at Jack En Jill nina Megastar Sharon Cuneta at Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Wala naman daw maseselang ipinagbabawal sa kontratang pinirmahan ng dalaga.

ADVERTISING

Ang kumalat lang na balita, off limits lang daw sa paggawa nito ng proyekto sa nasabing kumpanya si Kean Cipriano.

Ang tanong-kaninong rule raw ba ito? Na hindi magsasama sina Alex at Kean sa anumang proyekto? Totoo kaya ito?

Isa pang bubunuin ni Alex ay ang recording din niya para naman sa Viva Records.

Kung gayon-halos magkakapareho pa rin sila ng Ate Toni niya ng mga proyektong gagawin? Akala ng marami, kaya isinalang si Alex sa Babaeng Hampaslupa eh, para ito naman ang maging dramatic actress sa kanila ng Ate niyang gamay na ang comedy eh, gamay pa ang drama, pati na ang pagkanta.

Sa ending-sila pa rin kaya ang paglalabanin?

 

SA BIRTHDAY BASH ni Rufa Mae Quinto sa Seventh High sa The Fort recently, akala namin eh, magkakaroon pa ng ilangan sa pagitan nina Erik Santos, dating boyfriend ng komedyana, at ng modelong si Fabio Ide. Say lang ni Fabio sa tanong sa kanya kung alam ba niyang si Erik ang past ni Rufa Mae eh, “Walang problema.”

Basta ang alam namin, happy si Rufa Mae sa pagse-celebrate ng kanyang kaarawan at kung meron man daw siyang wish, ‘yun eh, para sa kapakanan ng kanyang mga mahal sa buhay, lalo na ang kanyang ina at hindi na para sa sarili niya.

Naroroon din sina Tita Annabelle Rama at Tito Eddie Gutierrez sa party tendered by Dr. Manny Calayan. At nang mamataan ng mga dumalo sa nasabing party ang host na si Raymond Gutierrez, umikot ang bulung-bulungan na diumano’y babalik na ito sa pangangalaga ni Dr. Manny sa pagharap sa kanyang weight problem. Kinukumpirma namin ito kay Dr. Calayan pero, matamis na ngiti lang ang isinasagot sa amin.

 

NAUNANG LUMIPAD PATUNGONG Singapore si Karylle para sa The Kitchen Musical na pagsasamahan nila ni Christian Bautista. Nauna na si Karylle na tapusin ang kanyang mga commitments.

Sa nasabing launch, may natisod kaming item sa pagiging bukambibig ni Christian kay Karylle. At hindi naman nito tahasang naitago na up to now eh, nagki-care pa rin siya sa dalaga. Lalo na nang i-wish siya ng mga may-ari ng ineendorsong produkto na sana this year eh, matagpuan na niya ang babaeng makakasama niya sa habambuhay.

Kinumpirma rin ni Christian ang nauna nang sinabi ni Karylle na they will be locked up in a place in Singapore for the four months duration of their stay there. According to Christian, he, Karylle and the other members of the cast ng nasabing musical will be housed in one apartment.

Alam naman daw ni Christian na mas close na si Karylle sa Spongecola vocalist na si Yael Yuzon. At ang pagki-care naman daw niya sa dalaga eh, dahil na rin sa iisa lang ang management nila (STAGES) and that Karylle has always been a very good friend to him.

Sa apat na buwan kaya nilang pagsasama sa Singapore, may mga bago tayong mabalitaan sa dalawa? Will absence make the heart grow fonder for Karylle and Yael? O, out of sight, out of mind?

The Pillar
by Pilar Mateo

ADVERTISING