Alex Gonzaga, ‘di target ang magka-lovelife

Alex Gonzaga, ‘di target ang magka-lovelife

Alex-GonzagaHINDI PROBLEMA kay Alex Gonzaga kung wala man siyang lovelife. When asked during the media huddle for Inday Bote na pinagbibidahan niya, sinabi ni Alex na hindi naman niya target ang magkaroon ng dyowa this year.

“Hindi rin niya kasi ako tinatarget, ‘yung love life. Hindi rin niya ako matarget-target,” sabi ng dalaga.

“Alam  mo, okay lang ’yon. I’m loving life, that’s my lovelife. I love life. Kasi hindi mo kailangang pilitin ang isang bagay na hindi para sa ‘yo. Katulad na lang ng Inday Bote. ‘Di ba, hindi ko naman ipinilit pero ibinigay sa ‘yo. Kung para sa ‘yo, para sa ‘yo. Ganoon din siguro ang lovelife,” esplika niya.

Mukhang taon ni Alex ngayon, ha? She’s all over kasi. Meron siyang album, meron siyang teleserye, meron siyang libro. Katatapos lang ng The Voice ay meron na kaagad siyang teleserye at kasama pa siya sa ASAP.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas