Alex Gonzaga, ‘di raw flop ang concert

Alex Gonzaga, ‘di raw flop ang concert

Alex-Gonzaga“MAMATAY KAYO sa inggit,” sabi ng mga solid fans ni Alex Gonzaga. Sa mga hindi masaya sa nangyaring bonggang attendace ng mga nanood dahil nga punung-puno ng tao ang Araneta Colesium nu’ng Sabado sa concert ni Alex Gonzaga.

“The Unexpected” concert talaga. Puno ng tao at sold out ang makikita mo sa ticket booth. Kaya ‘yung mga tsikang pinamudmod, isang malaking intriga. Sana lang ay maging masaya tayo sa nangyaring maganda kay Alex.

Sana ay tumigil na ang mga mali-maling umiikot na tsika.

Congrats, Alex at sa producers!

 

DUMATING NA ang sinasabing, pag may tiyaga may nilaga. Ruru Madrid, bida na sa isang serye. Buti naman ay nabigyan na rin sa wakas ng malaking project itong si Ruru.

Homegrown talent si Ruru ng GMA 7 kaya naman dapat lang siyang alagaan at bigyan ng tamang project.

Guwapo may height, saan ka pa. Kesa naman ‘yung iba ang bigay nang bigay sila ng raket, pero waley naman. Sana nga ay dire-diretso na.

Akting, ‘di naman pahuhuli si Ruru, siyempre alaga ‘yan ni Direk Maryo J. delos Reyes.

Congrats again, Ruru!

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!