Alex Gonzaga, ‘di official housemate

ADVERTISING

Alex Gonzaga, ‘di official housemate

Alex-GonzagaHINDI PALA official celebrity housemates si Alex Gonzaga sa Pinoy Big Brother All In, kundi isang house guest lang. Ini-reveal ito ni Kuya sa episode ng show last Saturday.

Ayon kay Kuya, may isang special task siyang ibinigay kay Alex at isa na rito ay ang magdaos siya ng isang talk show sa Bahay ni Kuya upang mas makilala nang husto ang mga housemates.

Ibinilin din ni Kuya kay Alex na huwag sasabihin sa mga housemates na house guest lang siya.

Samantalang itinanggi ni Direk Laurenti Dyogi na lahat ng pumasok sa Pinoy Big Brother All In ay hindi na dumaan sa audition para mapiling housemates.

ADVERTISING

May mga intriga kasing naglalabasan na nabale-wala raw ang libu-libong nag-audition sa Araneta Coliseum na pinabulaan naman lahat ni Direk.

Maging si Toni Gonzaga na isa sa host ng PBB All In ay nagsabi na walang siyang nalalaman na nagkaroon ng dayaan sa pagpili ng magiging housemates.

Hindi rin raw natatakot ang namamahala ng PBB sa panawagan na iboykot ang nasabing show.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING