Alex Gonzaga, ‘di maamin ang dahilan ng split-up nila ni Kean Cipriano

Alex Gonzaga, ‘di maamin ang dahilan ng split-up nila ni Kean  Cipriano

Alex-Gonzaga-Kean-CiprianoNAGTATAKA LANG ako kung bakit hindi mapaliwanag ni Alex Gonzaga kung ano ba talaga ang naging problema nila ni Kean Cipriano noon na naging dahilan ng split-up nila noong early years nila as magkarelasyon.

Sa press launch kasi ng bagong pantaserye na produced ng Dreamscape Entertainment na Inday Bote na magsisimula ngayong Lunes, March 16, bago mag-TV Patrol, palagi na lang sinasabi ni Alex na naayos na nila ang probema nila ni Kean noon na ngayon ay nagkaintindihan na sila. Now, magkaibigan na sila at matiwasay na nagsasama sa isang show.

Kung dati-rati’y pareho silang asiwa (kahit ayaw mang aminin ng dalawa) kapag nagsasama sila sa mga shows at guestings, this time after ma-plantsa nila ang gusot noon, mas okey na silang dalawa.

Noon kasi, nang magka-love team ang dalawa sa mga forgettable shows nila sa istasyon ni MVP, hindi man hayagang sinasabi ng dalaga na ‘Yes, kami ni Kean ang mag-boyfriend’, alam ng showbiz na sila nga. Naging sila.

Dahil musikero sa banda (Callalily) si Kean, expected na ang pagiging chickboy nito noon pa man na marahil, hindi alam ni Alex na may ganu’ng kultura ang mga musikero na hinahabul-habol ng mga girls lalo pa’t si Kean, rocker-chickboy ang peg kapag nagpe-perform. Hindi man aminado na nag-two-time si Kean sa panahon na sila ni Alex noon, alam ng may alam sa kultura ng mga nagba-banda na 99 percent ng mga miyembro ng mga banda (lalo pa’t sa genre ng Callalily) suntok sa buwan na si Kean ay loyal sa kanyang girlfriend noon.

Past is past, ‘ika nga. Naayos na nina Alex at Kean ang gusot nila kaya sa taping ng Inday Bote, good vibes na silang dalawa.

Sa ngayon, loveless si Alex. “Mas gusto ko ito. Kung magkakaroon man ako ng boyfriend, kawawa rin siya dahil wala ako time.” Busy-bisihan ang ate n’yo sa kanyang career.

Siyanga pala, kabilang ang Inday Bote sa pakulo ng Dreamscape Magical Summer branding and campaign nila sa dalawa pang mga shows nila ngayong tag-araw, ang Wansapanataym’s Yamishita’s Treasures nina Coco Martin at Julia Montes na magsisimula na sa Sunday (March 22) at ang ilulunsad na Nathaniel na bida sina Gerald Anderson, Pokwang, Ogie Diaz, at Coney Reyes together with Arjo Atayde as special guest.

Reyted K
By RK VillaCorta