Alex Gonzaga, boyfriend ang kailangan, ‘di raw friend

Alex Gonzaga, boyfriend ang kailangan, ‘di raw friend

Alex-GonzagaNO TIME for love ang drama ngayon ni Alex Gonzaga. Kahit daw marami ang isini-set-up siya ng blind date, kung hindi naman niya siguradong magiging boyfriend niya ang lalaki ay hindi na lang niya ito sinisipot.

“Kasi if ever man na may ipakikilala sila sa akin na sa tingin ko ay boyfriend material, iga-grab ko talaga ‘yung chance. Pero kung nakikita ko na parang pang-kaibigan lang talaga, ‘wag na lang, kasi marami na rin naman akong friends,” sey pa ng kapatid ni Toni Gonzaga.

Bida si Alex sa TV version ng Inday Bote ng ABS-CBN na ayon kay Rondel Lindayag na business unit head ng naturang project, iba raw ‘to sa movie version na ginawa noon ni Maricel Soriano, although halaw pa rin ito sa komiks na sinulat ni Pablo Gomez.

Kasama ni Alex na humarap sa pocket presscon ng serye si Alonzo Muhlach na introducing sa programa. Of course, alam naman nating lahat na si Alonzo ay anak ng dating child wonder ng Philippine cinema na si Niño Muhlach kaya saan pa ba magmamana ang bata pagdating sa pag-arte, ‘di ba?

Gaganap si Alonzo bilang isa sa mga duwendeng magiging kaibigan ni Inday na ang name ay Empoy.

Dalawa naman ang magiging leading men ni Alex sa Inday Bote at ito ay sina Kean Cipriano at Matteo Guidicelli. Sa grandpresscon, tiyak na makakasama na ni Alex ang dalawa na haharap sa press.

La Boka
by Leo Bukas