Alex Gonzaga, ayaw magka-BF dahil wala raw time

Alex Gonzaga, ayaw magka-BF dahil wala raw time

1 Alex-GonzagaSUWERTE NGA ni Alex Gonzaga dahil siya ang unang salvo para sa Dreamscape Magical Summer sa kanyang pantaseryeng Inday Bote, kung saan she will play a mangangalakal na pag-aagawan nina Kean Cipriano and Matteo Guidicelli, plus syempre ang super cute na Wonder Boy playing a duwende na si Alonzo Muhlach na makakatuwang ni “Inday” sa pagtupad ng kanyang mga pangarap na iga-grant ang kanyang wishes.

Sa ngayon, zero ang lovelife ni Alex. No time for love. “Ang hirap nama na may karelasyon ka or boyfriend na wala ka namang time sa kanya,” sabi niya.

Dahilan kaya ito kung bakit mas nabibigyang-halaga ng dalaga ang kanyang blooming career kaysa atupagin ang kanyang lovelife? Sa pagkakaalam ko, may something sa kanila ni Kean noong nasa istasyon pa siya ni MVP na bigla-biglaan ay naglahong parang bula.

“We have ironed things out, nag-usap na kami,” maiklling pahayag ni Alex. Meaning, may something pala talaga sa kanila ni Kean na ayaw na lang niya i-elaborate lalo pa’t tapos na ang “something” na ‘yun.

Sa panahon na ang ganda ng takbo ng career ni Alex, aanhin nga niya ang lovelife kung wala naman siya time para asikasuhin ang “lovelife na ito, Ang ending, mag-aaway rin lang naman sila na ang ending, ang “something” na ‘yan ay mauuwi lang sa wala, na pati career niya na maganda ay sasablay. At least, si Alex wais.

Reyted K
By RK VillaCorta