Alex Diaz takot sa commitment dahil sa trust issues

Leo Bukas

BIDA si Alex Diaz sa LGBT film na Pathirsty. Ang pelikula ay kuwento ni Direk Ivan Payawal produced by IdeaFirst Company and Viva Films dahil tungkol ito sa pagtanggap sa totoong kasarian at  pag-a-out nito sa tunay niyang gender.  As we all know, three years ago lang nag-out si Alex about his true gender at bilang proud member ng LGBTQ+ community.

Alex Diaz takot sa commitment dahil sa trust issues
Alex Diaz

When Alex decided to come out as a bisexual ay tinanggap na niyang wala na siyang magiging showbiz career  sa Pilipinas kaya minabuti na lang niyang bumalik ng Canada para magtrabaho sa isang pizza parlor.

Pero laking gulat ng dating Star Magic artist na tinanggap ng publiko ang tunay niyang pagkatao. Nagbukas din ito ng pinto para maging bida siya sa ilang BL projects.

“Alam ko tapos na yung career ko dito but sobrang nakahinga ako, like 25 years I was holding my breath.  Ganito pala mabuhay nang wala kang itinatago. Nothing different, it’s still me. Nothing changed that much,” pahayag ni Alex sa press pagkatapos ng private screening ng pelikula niyang Pathirsty sa Gateway Cineman nitong Lunes, July 18, 2022.

Dagdag pa ni Alex, “I’m just happy and I’m still trying to explore it and still dating.”

Wala pa ba siyang planong makipag-relasyon?

“I’m so scared of commitment, I really have bad trust issues,” sagot niya.

“Siguro, date-date lang muna but no serious relationship for now,” giit pa niya.

Aminadio ang hunk personality na may pagka-pathirsty daw talaga siya in real life. Ang pathirsty ay isang millennial term na ang ibig sabihin ay mahilig mag-selfie, magpa-cute at mag-post ng mga sexy pics ng sarili sa socmed.

“Yes, if you can check sa socmed accounts ko pathirsty talaga ako and I think wala namang masama don. Those are my pages anyway,” sabi pa ni Alex.

Alex started his career in the industry in 2013 as he was launched as part of Star Magic Circle Batch 2013.

Bago lumantad bilang bisexual ay naipakilala pa ni Alex ang kanyang non-showbiz girlfriend.

“Being in the closet and outed is hell especially in a country like this na very conservative,” pagre-recall niya.

Hanggang ngayon daw ay shy type pa rin si Alex pero nagbabago ang personalidad niya kapag nakainom na siya ng alak.

“Kapag hindi ako lasing, wala, torpe ako, but when I’m drunk, ‘pag basag ako, walang makakapigil sa akin. When I like somebody, I will definitely say it,” pagsisiwalat niya..

Anyway,  kasama ni Alex sa pelikulang napapanood sa Vivamax  sina Adrianna So, Chad Kinis at Kych Minemoto, at marami pang iba.

 

Previous articleSM Foundation holds medical mission for PMPC & allied entertainment press on July 29, 2022
Next articleRachel Alejandro may one night concert sa Winford Manila