Alex Castro, super react sa nandakma sa kanya sa Cosmo bash

Alex-CastroKALOKA NAMAN itong artistahin na si Alex Castro at super react ang hitaderong “macho” sa nanghipo sa kanya habang nagkakagulo ang mga babae, beki, at nagpaka-men na mga “bisexual” sa nakaraang Cosmo 69 event last Saturday ng isang sikat na lifestyle magazine for the female market.

‘Di nga ba’t ang konsepto ng show or shall I say pinasosyal na gay bar “area-area” scene minus the blackout at naka-shorts or naka-jagger pants (or was it a jogging pants) ang mga male models ay hindi na bago sa regular patrons ng naturang event ang panglalandi ng mga male participants-models at maging artista sa naturang ganap?

Every year isinasagawa ang kalandian ng Cosmo 69 na ang mga babaeng kimi ay nagiging “kiri” at nagwawala. Sino ba naman ang hindi mag-water-water sa kaseksihan ng mga kalalakihan na kabilang sa 69 men na nag-topless (shirtless) at ibinabandera ang kanilang mga muscles at abs?

Hindi lang pambabae ang market ng Cosmo 69. Maging ang mga beki (pasosyal, fashion designers, at maging make-up artist na may salon sa talipapa ng Novaliches, at mga bugaloo na naghahanap ng kanilang aalagaan para ibenta ng por kilo) ay target market ng naturang event.

Kaya nga laking gulat ni Alex nang mag-“area” siya sa isang side ng entablado na bukod sa kagustuhan ng mga babae at bekis na mahawakan siya, hayun naisahan ang “artistahin” at na-“touch” ang kanyang ari ng isa sa mga nagwawalang spectator.

Hindi mai-dentify kung babae o beki ang nanghipo sa “birdie” ni Alex.

Read sa mga beki chatrooms: hindi naman daw nasalat nang husto ang “birdie” nito dahil waley naman daw bukol ito. “Hindi nga masilip sa kanyang suot na jogging pants na maluwag dahil wala man lang nakaporma. Hindi nagparamdam si jun-jun niya or baka waley lang talaga,” komento ng isang beki sa naturang gay chatroom na isa sa mga nanood.

Pero dahil sa pangyayari, nag-post ang Kapamilya star-performer sa kanyang socal media stating ng kanyang pasasalamat sa organizer, pero super corney ang reaction ng karamihan sa pag-super react ni Alex sa nanghipo sa kanya stating: “‘Dun sa nanghawak, bonus na sa ‘yo ‘yan! ‘Wag ka nang maghuhugas ng kamay.”

Basta ako, ang lalaki kapag nalagay sa ganitong sitwasyon at may ganitong mga kaganapan, mapapailing na lang at mapapangiti at hindi na magkukuda-kuda. ‘Yun na!

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleJasmine Curtis Smith, textmate na raw si Brian Poe
Next articlePauleen Luna, tinira ng bashers sa ‘kilig’ photos

No posts to display