Alessandra de Rossi AT Sid Lucero, malamig sa isa’t isa

Alessandra de Rossi AT Sid Lucero, malamig sa isa’t isa

Alessandra-de-Rossi-Sid-LuceroMAG-ISA LANG dumating sa katataposs na 31st PMPC Star Award for Movies si Alessandra de Rossi kahit na kasama rin at presentor sa awards nights ang napabalitang boyfriend na si Sid Lucero. Nagkita lang ang dalawa sa backstage ng The Theater ng Solaire Hotel and Casino, kung saan ginanap ang Star Awards for Movies last Sunday, March 8.

Unang pumasok sa backstage si Sid na tahimik lang sa isang sulok habang pinag-aaralan ang kanyang spiel bilang pagbibigay-pugay sa mga namayapang artista, director, producer, at ibang personalities na naging bahagi ng movie industry at kasama nga rito ang kanyang namayapang ama na si Mark Gil.

Hindi kami nagkamali habang binabasa at ipinakikita sa screen ang namayapa niyang ama na si Mark Gil ay hindi naitago ni Sid ang lungkot sa mukha habang pinagmamasdan ang larawan ng ama.

Sa pagpasok naman ni Alex sa backstage, kaagad nitong nilapitan si Jay R na naghihintay rin para sa kanilang production number ni Kayla. Samantalang si Sid at the time ay nakatalikod kay Alex, pero hanggang tingin lang ang ginawa ni Alex at saka naupo. Pero nang makita ni Sid si Alex ay nilapitan niya ito para makipagbeso-beso at bawi lang ni Alex ay okey na ito kaya bumalik na sa isang sulok uli si Sid.

Sa tagal nina Alex at Sid sa backstage ay parang wala lang. Wala na ‘yung “apoy” sa tuwing magkikita sila sa isang okasyon. Nangangahulugan lang ba na totoong break na sila?

Pero kahit na tapos na si Sid para mag-present ay nanatili pa rin ito sa backstage para panoorin si Alex sa TV monitor.

Samantalang kung totoo na nagdurugo ang puso ni Alex ay masaya naman ito kung totoo raw na plano ni Direk Paul Soriano na isasabay ang showing ng Kid Kulafu sa laban nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather sa May 2.

Sa movie kasi, si Alex ang gumanap na Mommy Dionisia na ayon na rin sa utol ni Assunta de Rossi ay hindi siya gaanong nahirapang magsalita ng Bisaya dahil ang kanilang katulong sa bahay raw ay isang Bisaya kaya madali niyang nakasanayang magsalita rin ng Bisaya.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo