Alessandra de Rossi at Sid Lucero, malabo nang magkabalikan

Alessandra de Rossi at Sid Lucero, malabo nang magkabalikan

Alessandra -de-Rossi-Sid-LuceroMALABO NA nga yatang magkabalikan pa sina Sid Lucero at Alessandra de Rossi. Si Mara Lopez ang napapabalitang bagong pag-ibig ng aktor.

“Matagal na kaming magkaibigan,” ani Sid nang mausisa namin. “And… I’ve known her mom (Isabel Lopez) before I met Mara. Nakatrabaho ko ang mom niya sa isang teleserye. And then, nagkasama rin kami sa isang pelikula ni Mara.”

At do’n na nagsimula na maging close sila as friends?

“Like any other normal human being,” nangiting sabi ng aktor.

May mga magkaibigan na nauuwi sa pagiging lovers. Puwede rin kayang mangyari sa kanila ni Mara iyon?

Ngumiti lang ulit si Sid. Hindi na sinagot ang tanong. Pero bagay nga sila ni Mara?

“Thank you!” matipid niyang reaksiyon.

Single naman siya ngayon, ‘di ba? “Yes!”

Talagang tuluyan na silang nagkalabuan ni Alessandra de Rossi? “I really don’t  talk about it. Honestly,” pag-iwas ni Sid.

Sa ngayon, ano ba ang mga pinagkakaabalahan niya?

“A… MWF (Monday, Wednesday, and Friday) I see my daughter. I take her to school. And then in the evening, Monday to Saturday… I go to Jujitsu. And then, I spend quality time with my family. ‘Yon lang!”

What about acting projects? “I think I’m gonna do a movie. Kami ni Mara.”

Light comedy-drama raw ang tema ng pelikulang gagawin nila. Toto ang title nito na pangalan din ng character na gagampanan niya. Kuwento ito ng isang lalaking iniidolo si Tom Cruise at nangarap na pumunta sa Amerika. Si Jose Paolo raw ang magdidirek nito. “Tapos mai-inlove ako nang husto kay Mara.”

Marami ang nakami-miss na muli siyang mapanood sa isang teleserye. Wala pa ba siyang bagong soap na gagawin sa GMA?

“Ewan ko. Sana soon. I miss it. I would like to work on a teleserye ulit. I’m not that visible sa ngayon. But I think it’s also a good thing. I got to spend time with myself and fix whatever it is to be fixed.”

Kumusta sila ng sister niyang si Andi Eigenman? “We hardly see each other. But when we do, it’s always  good time.”

Malapit na ang summer. May plano siyang magbakasyon? “Wala pa.”

Si Mara will go surfing daw at puwede umanong yayain siya nito na sumama. “Bakit hindi? Oo. Nagsu-surf naman ako dati. Medyo marunong naman ako,” panghuling nasabi ni Sid.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan