Alessandra de Rossi, parang kung sino kung umasta

ADVERTISING

Alessandra de Rossi, parang kung sino kung umasta

Alessandra-de-RossiKUNG MAKAASTA itong si Alessandra  de Rossi ay akala mo kung sino.

How true na nagbanta raw itong hindi sisipot sa morning show nila kapag iginuest si Heart Evangelista?

Sa production meeting yata ay napag-usapan ang line-up of guests for the week. May isang staff na nagsabing kukunin nila sila Heart. Ballistic daw ang reaction ng starlet na kapatid ni Assunta de Rossi. Kung itutuloy raw ang guesting ni Heart ay nagbanta raw itong si Alex na ‘di sisipot sa taping.

True ba ito, Alex?

ADVERTISING

Kung true nga, naku manalamin ka sister. Between you and Heart, ‘di hamak naman na mas malaking name ang dyowa ni Senator Chiz Escudero, ‘no!

‘Wag kang ilusyonada, Alex. Starlet to a pine tree proportion ka lang, kung makaasta ka ay parang kay laki-laki mong bituin.

Be professional! ‘Wag mong idamay ang show sa galit mo kay Heart. Maliit lang ang kasalanan niya sa ‘yo, that is, kung kasalanan man ang ginawa niyang pambubuko na magdyowa na kayo ni Sid.

Wake up, starlet Alex. ‘Wag kang ilusyonada!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING