Alessandra de Rossi, nauumay na sa kontrabida roles

ADVERTISING

Alessandra de Rossi, nauumay na sa kontrabida roles

Alessandra-de-RossiNAUUMAY NA si Alessandra de Rossi na gumanap bilang kontrabida sa mga soap opera. Kaya na-excite daw siya nang biglang gawin siyang isa sa hosts ng Everyday Happy na bagong morning celebrity talk show ng GMA.

“Sobrang isang malaking blessing ito para sa akin,” aniya. “Sa totoo lang. Kinilig ako. It came at the right time.”

Marami ang nagsasabing magaling at promising nga bilang isang TV host si Alessandra. Siya na kaya ang magiging Princess of Talk?

“Wit!” natawang reaksiyon niya. “Agad? May titulo agad, wala pang napapatunayan? Ang chos na chos naman no’n! Hahaha! Well, dito sa show na ito, walang masyadong talk talk. Puro pangungulit lang. Tapos sayawan. Lutuan. Kainan. Games. Lahat ng pampa-happy.”

ADVERTISING

Hindi na ba siya tatanggap ng kontrabida roles? Kasi puwede na nga niyang karerin ang paghu-host.

“Ay, hindi naman! Hindi ko sinabi ‘yon. Ang sabi ko lang… ayus-ayusin ‘yong mga kuwento. Para naman we don’t give our viewers bad ideas, ‘di ba? And ‘yong paghu-host ko, I think maganda siyang pambalanse. Na sa umaga positive. Tapos sa gabi, nanampal ka! Hahaha! Ang ganda, ‘di ba? Gano’n talaga!”

Kasama rin kasi siya sa cast ng bagong primetimes series ng GMA na Ang Dalawang Mrs. Real kung saan bida sina Dingdong Dantes, Lovi Poe, at Maricel Soriano.

Dati na silang nagkasama ni Lovi sa seryeng Legacy kung saan nagsimula ang kanilang pagiging friends. Si Maricel naman, kahit unang pagsasama pa lang daw nila ay at ease daw agad siya sa Diamond Star.

“Masaya siyang kasama. Makulit. Tiktak nang tiktak. Actually dapat siya ang mag-talk show! Bawal akong magsalita kapag nandiyan siya! Hahaha! Pero I think naman magkakasundo kami. Bilang pareho nga kaming madaldal!”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING