Alessandra de Rossi, nainsulto nang tawaging luka-luka

ADVERTISING

Alessandra de Rossi, nainsulto nang tawaging luka-luka

Alessandra-de-RossiEFFECTIVE ANG ginawang pag-iyak daw ni Alessandra de Rossi sa executives ng GMA-7 para ilayo siya sa mga kontrabida roles. Ayon kay Alex, napagod na raw siya sa pagiging kontrabida sa mga seryeng ibinibigay sa kanya ng Kapuso Network.

ADVERTISING

Kaya sa mga sumunod niyang roles ay bestfriend ni Heart Evangelista sa Magkano Ba Ang Pag-ibig? At sa bagong drama series, Ang Dalawang Mrs. Real, na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes, Lovi Poe at Maricel Soriano, lalabas naman siyang best friend ng Diamond Star.

Binigyan pa si Alex ng bagong challenge sa career nang isama siya bilang isa sa hosts ng morning talk/variety show na Basta Everyday Happy kasama nina Donita Rose, Gladys Reyes at Chef Boy Logro.

Alam daw ni Alex, ang pagiging kikay niya ang dahilan kaya isinama siya sa nasabing morning show.

ADVERTISING

“Kasi kailangan daw nila ng luka-luka! Bilang happy nga,” say ng younger sister ni Assunta de Rossi.

Ask naman siya ng mga press kung naniniwala naman siya?

“Yung luka-luka ako? Medyo na-offend nga ako. Parang wala talaga siya sa personality ko. Hahaha! Nainsulto nga ako! Charot!” pagbibiro ni Alex.

Pagmamalaki pa ni Alex, marunong na raw siyang magluto at mag-bake ng cake, gaya ng chum cakes with matching toppings sa ibabaw.

Noong birthday nga raw niya ay pinagbake niya ang kapatid na si Assunta.

“Pinag-bake ko siya. Pero nagkamali ako ng recipe kaya ‘yung cakes, singtigas ng bato! Nagkamali ako. Mali ‘yung mix ko na flour kaya nanigas siya na parang hopia. Nagkamali lang ako nu’ng araw na ‘yon. Pero before that, marunong ako,” katuwiran ni Alex.

Tungkol naman sa lovelife. Loveless pa rin daw siya at take note, seven years na raw siyang walang lovelife.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING