Alessandra de Rossi, nagmumukhang katulong sa Pamilya Eigenmann

ADVERTISING

Alessandra de Rossi, nagmumukhang katulong sa Pamilya Eigenmann

Alessandra-de-RossiANG ISA sa napansin ko du’n sa gatehering ng pamilya ni Mark, si Alessandra de Rossi na laging nasa tabi ni Sid Lucero, ha!

ADVERTISING

Ang alam ko, hindi pa naman ganu’n katagal ang relasyon ng dalawa, pero parang close na close na si Alessandra sa buong pamilya ni Sid.

Talagang nandu’n siya para sumuporta sa aktor at sweet na sweet nga sila.

Binati ko nga siya na parang belong na belong na siya sa pamilya. Sabi niya, nagmumukhang katulong daw siya sa Pamilya Eigenmann.

ADVERTISING

Sabi ko naman sa kanya, Italyana naman siya, kaya keri na ‘yun. Pero open na open na ang dalawa sa kanilang relasyon. Kaya lang ayaw na lang nilang pag-usapan pa, at gawing showbiz.

Mas okay nga ang ganu’n, tahimik lang na relasyon para kung mag-break man, walang nakaaalam.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING