Alessandra de Rossi, instant nanay

ADVERTISING

Alessandra de Rossi, instant nanay

Alessandra-de-RossiNOW WE’RE more than convinced why Alessandra da Rossi (still?) harbors ill feelings towards her friend (pa rin ba?) Heart Evangelista for spilling the beans na sila na ni Sid Lucero.

The casual pambubuko happened sa live guesting ng isa pa nilang friend na si Lovi Poe sa July 5 episode ng Startalk. Incidental lang ang reference kay Alex, along with Heart, sa interbyung sumesentro naman talaga kay Rocco Nacino.

Heart, who was off-camera yet near the studio set, confirmed na sina Alex at Sid na nga—something that the former found a bit too uncalled for.

Having realized she hurt a close friend, in fairness to Heart ay nagsori naman siya agad kay Alex. Ewan nga lang if Heart’s apology was taken well by the aggrieved party kuno.

ADVERTISING

Kamukat-mukat mo, sa nakaraaang birthday episode ni Alex (July 22, Tuesday) sa kanyang daily show (along with Gladys Reyes and Donita Rose), dahil sa pambubuyo ng guest na si Mark Abaya, umamin din ang hitad sa kanilang relasyon ni Sid, who popped out with a long-stemmed rose.

Kaya naman pala galit-galitan ang hitad, Alex wanted the revelation out sa kanyang show at hindi sa programa ni Heart! Nga naman, hindi si Alex ang nakinabang tuloy sa (nakae-excite nga bang?) relasyon nila ni Sid.

To Alex na nasa time warp yata dahil feeling teenager, word of advice: mag-aral ka nang magpalit ng diapers ng anak ni Sid. Instant motherhood becomes you, dahlin’.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING