Alessandra de Rossi, ‘di takot tumandang dalaga

ADVERTISING

Alessandra de Rossi, ‘di takot tumandang dalaga

Alessandra-de-RossiFIRST TIME lang makatrabaho ni Alessandra de Rossi si Maricel Sorioano.  At agad-agad ay okey naman daw ang kanilang working relationship sa primetime series ng GMA 7 na Ang Dalawang Mrs. Real, kung saan tampok din sina Lovie Poe at Rocco Nacino.

ADVERTISING

“Malikot!” natatawang paglalarawan ni Alessandra kay Maricel. “Makulit. Maingay.”

Nakahanap siya ng katapat sa kakulitan, kaingayan, at kadaldalan?

“Ay, anong katapat? Wala akong sinabi sa kanya! Hahaha! Huminhin nga ako sa tabi niya! HahaHa! Pero masaya siyang kasama. Kasi talagang… wala, patatawanin ka lang niya nang patatawanin. Tapos sasabihin niya… kinakabag ka na naman, ano?

ADVERTISING

“Gusto ko ‘yong pagiging matsika niya. ‘Yong parang… hindi naman kami close no’ng umpisa. ‘Di ba? Pero alam mo ‘yon? ‘Yong nag-u-open up siya sa akin. ‘Yong parang hindi naman niya pinapa-feel sa akin na… ako si Maricel at si Alessandra ka lang. Alam mo ‘yong gano’n? She’s very welcoming. Gano’n. At saka mapagbigay siya. Like minsan… tinuturuan niya akong umakting.”

Naging tatak na ni Maricel ang pagiging Taray Queen. Hindi ba siya na-intimidate sa umpisa dahil dito?

“Hindi ko naman siya nakitang gano’n, e. Hindi ko siya nakita as Taray Queen. Same as… like ako, ang daming nagsasabing mataray ako and all. Pero kapag nakasama mo naman ako, parang wala namang bahid ng pagkataray. If ever na may masabi akong hindi mo ini-expect, iyon ay dahil siguro sa sobrang tino ko, gusto ko rin ay matino ang lahat ng tao sa paligid. Lalo na when it comes to work. Pero sa tunay na buhay, ‘yong mga simpleng pagkakamali ng mga tao o ugali… wala kang maririnig sa akin.”

Tungkol naman sa first time niyang paghu-host para sa morning show na Everyday Happy, gano’n pa rin daw siya ka-excited tuwing nagti-taping siya para rito.

“Mas masaya pang lalo. Kasi ‘yon nga, mas may tema na kami. Mas may sistema na kami. So, mas madali na for us. Kasi noong una parang hindi mo alam kung ano ang gusto nilang mangyari. Parang… ano ba, kantahan ba o lutuan ba, ano ba parang hindi ko ma-gets? Pero ngayon, mas maayos na. So, mas madali na sa amin na mag-adjust at saka umadlib.”

Saan siya mas ganadaong mag-taping?

“Sa totoo lang, mas gusto ko ‘yong talk show. Ang problema lang, since after live may dalawa akong taping, wala na talaga akong energy after. Alam mo ‘yong feeling na after ng show parang… normally kapag may show ka na MWF ang taping, pagdating ng Saturday at Sunday okey ka.

“Itong sa Everyday Happy, pagkatapos… wala na. Gusto mo nang magpahinga. Gusto mo ‘yong weekend mo walang gagalaw. ‘Yong gano’n? Kasi ubos na ubos ‘yong energy mo.

“Siguro dahil ang ipini-present mo sa show, as Alessandra de Rossi. Hindi as a character. So, talagang mas mahirap siya. Kailangang tunay na tunay na nakikita ‘yong… kahit malungkot ka kailangang masaya ka. ‘Yong gano’n? So, nakaka-drain siya. Pero sa ngayon, wala naman akong panahon para malungkot, e. Kasi nasa akin naman lahat ng kailangan ko.”

Hindi kakulangan sa buhay niya kung wala man siyang lovelife sa ngayon?

“No. Never! For seven years,” patungkol niya sa tagal nang wala siyang boyfriend. “Basta I’m happy kung nasaan ako. Wala akong hinihingi kay God.”

She’s 29. Hindi naman siya takot na baka maging old maid siya?

“Hindi ako magugulat kung mangyayari ‘yon. Pero… hindi ako natatakot. Wala naman sa lahi namin ang pagiging old maid. Pero posible siyang mangyari sa akin. dahil nangyayari sa paligid. Ang dami kong kilalang ganyan. So, parang… sino ka para maging exempted sa ganyang klase ng buhay.”

O baka rin kapag tumagal na hindi pa rin siya nagkaka-boyfriend ulit, isipin ng iba na baka tomboy siya?

“E ‘di… hanap na tayo ng babae!” tawa na naman ni Alessandra. “Panindigan na natin! Hahaha!”

‘Yon na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING