Alessandra de Rossi, 20 years ang hinintay para maging box-office leading lady

ADVERTISING

Alessandra de Rossi, 20 years ang hinintay para maging box-office leading lady

 

Alessandra de Rossi, 20 years ang hinintay para maging box-office leading lady
Alessandra de Rossi

WORTH THE WAIT! Ito ang pahayag ng ilan sa mga silent but supportive fans ng award-winning actress turned box-office leading lady na si Alessandra de Rossi o kilala rin sa palayaw na ‘Alex’.

Maituturing na sleeper hit ang pelikulang Kita Kita nila ni Empoy Marquez, na up to this day ay pinipilahan pa rin sa mga sinehan nationwide kahit pa palabas din this week ang “Finally Found Someone” ng tried and tested box-office tandem nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.

Noong weekend ay puro #ALEMPOY ang laman ng aming timeline dahil sa mga reviews ng mga nakapanood at mga umulit. Loaded din ng guestings from online to mainstream shows shown sa ABS-CBN at GMA-7.

ADVERTISING

Noong Sunday (July 30) ay nakipagkulitan si Alessandra de Rossi kina Wally Bayola at Valeen Montenegro sa “Coach Cynthia” segment ng Sunday PinaSaya. Tawa kami ng tawa sa challenge kay Alex na kailangang i-deliver ang isa sa mga memorable lines niya sa Kita Kita habang kumakain ng palabok na walang sahog. Game naman si Alex kahit pa may dagdag na challenge where she needs to utter her lines while eating palabok at nakatayo sa isang machine na umaalog-alog. Naka-high heels pa siya!

Alessandra de Rossi, 20 years ang hinintay para maging box-office leading lady
Empoy and Alessandra de Rossi

Sa Gandang Gabi Vice naman ay nakipagkulitan ang Alempoy kay Vice Ganda. Marami ang naloka sa ‘kissing scene’ nina Empoy at Vice. Nakakaaliw din ang batuhan ng jokes at pasaring ng millennial loveteam at sa bandang huli ay nagpasalamat sila sa suporta ng mga moviegoers.

Alam naman ng lahat na mas aktibo sa pagiging bida sa indie films si Alex. Ang huli pa nga yata niya na mainstream movie na isa siya sa mga bida ay ang ‘One Night Only’ shown 9 years ago at as a leading lady in a loveteam yata ay yung movie pa niya with Onemig Bondoc. Oh, di ba? Naalala ko pa!

As a fan of Alex, I am truly happy for this renowned love from the Pinoy movie fans. Sana ay magtuloy-tuloy na ang pagiging box-office star niya pero huwag din sana makalimot sa indie roots!

Pero wait… sa TV kaya, isa pa ba siyang Kapamilya o nagbalik Kapuso na? Alex, ano  na?

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

ADVERTISING