Alessandra De Rossi, galit na galit sa pambubuko ni Heart Evangelista

ADVERTISING

Alessandra De Rossi, galit na galit sa pambubuko ni Heart Evangelista

Alessandra-de-RossiGALIT NA galit si Alessandra de Rossi kay Heart Evangelista dahil ibinuking nitong dyowa niya si Sid Lucero.

Marami kasing drama itong si Alex ‘pag natatanong tungkol kay Sid. Noong presscon nga ng Basta Everyday Happy, pabalang kung sumagot sa question about Sid, parang walang pinag-aralan, napakawalang-modo. Masyadong feelingera itong si Alex.

Naku, Alex, kung hindi ka proud sa guy ay ‘wag kang makipagrelasyon. Ang dami mong drama. Hindi ka na bagets, ‘no, kaya ’wag umarteng parang teenager.

 

ADVERTISING

ISA PANG galit itong si Eric John Salut na kung anu-ano ang pinagsasabi sa Twitter dahil lang ‘di nag-trend ang pilit niyang pinapa-trend na teleserye.

“Kilala ko na ang mga evil! Nakita ko na ang website! Kaya hindi nagti-trend ang IKAW LAMANG. May way to block hashtags pala.”

“Ay ayaw ko na! Napasok na ng evil ang @twitter! Gagawin lahat para sa kademonyohan nila! #kilalanyokungsinokayo”

“Ikaw is trending! Ano yun?????”

“Ano, anything na may Ikaw Lamang sa HT or tweet, BLOCKED?????”

‘Yan ang sunud-sunod na tweets ni Eric. Baka hindi siya babayaran ng Dos kapag hindi nag-trend ang mga shows nila, chos!

How cheap can someone get in the name of MONEY!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING