ALDUB REUNION: Alden Richards at Maine Mendoza, nagkita na in person

ADVERTISING

ALDUB REUNION: Alden Richards at Maine Mendoza, nagkita na in person

ALDUB REUNION: Alden Richards at Maine Mendoza, nagkita na in personBIRTHDAY yesterday (January 2) ni Alden Richards.

It was a working birthday para sa binata na imbes magpahinga ay kumayod pa rin siya at nagtrabaho para mapasaya ang kanyang mga fans.

Nagpasiklab si Alden with his performance thru singing at ang kanyang martial arts number para ikatutuwa ng kanyang mga tagahanga na sa kabila ng nanganganib na kalagayan ng loveteam nila ni Maine na baka mauwi sa hiwalayan, andyan pa rin sila to give support sa binata.

ALDUB REUNION: Alden Richards at Maine Mendoza, nagkita na in person
Alden Richards’ birthday celebration in Eat Bulaga

In Alden’s birthday ganap sa noontime show na Eat Bulaga, madaming mga ALDUB fans ang nadismaya dahil wala si Maine na ini-expect nila na present sa Broadway studios para magkasama man lang sana ang dalawa on Alden’s special day. Reality check: Nothing personal binds Maine with Alden kaya huwag na mag-expect.

ADVERTISING

Si Maine ay nasa labas ng studio at ginagawa ang “ Sugod Bahay” segment of Eat Bulaga at nasa bandang Tondo, Manila. Hindi sila magkasamang dalawa.

Binati lang ni Maine si Alden sa TV screen. “Nasa ‘yo naman na lahat, yung mga gusto mo namang mabili, nakukuha mo na. Pero kung ano pa yung hinihiling mo pa sa buhay tsaka yung inaasam ng puso mo, sana ibigay sa ‘yo ni Lord, happy birthday,” pagbati ng dalaga sa binata.

Pero kinagabihan, sa pa-birthday party ni Alden sa kanyang pag-aaring restaurant sa may bandang Tomas Morato sa Quezon City ay dumalo ang dalaga.

Nang dumating si Maine sa party venue, sinalubong agad siya ni Alden at sabay yakap sa dalaga.

ALDUB REUNION: Alden Richards at Maine Mendoza, nagkita na in person
Alden Richards and Maine Mendoza reunited

Pansin ng isang miron na nagkuwento sa atin ng kaganapan last night ay may seryosohan paguusap ang dalawa.

Kung ano man ‘yun ay abangan natin.

This Saturday, samahan ang birthday boy together with his fans sa isang mala-fans day with Alden sa Enchanted Kingdom.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING