Aldub, pinasasama ng mga bastos na fans

ADVERTISING

Aldub, pinasasama ng mga bastos na fans

Alden-Richards-Maine-MendozaALDOGS ANG tawag sa mga AlDub fans na walang modo. Si Lea Salonga nga, tinarayan nang walang patumangga ng Aldogs when she tweeted something about kababawan. Akala nila ay ang idols nila ang pinariringgan.

ADVERTISING

Marami ang nagulat sa tapang namin when we called them IDIOTS in our past column. Marami ang nag-react at nam-bash sa amin.

Actually, may mga nagsabing dapat pangaralan nina Alden Richards at Maine Mendoza ang fans nilang walang modo at walang pinag-aralan. Kung maka-bash kasi sila ng writers na nagsusulat against their idols ay ganoon na lang na parang sila ang nagpapalamon.

Nagre-reflect ang tila criminal attitude ng Aldogs sa kanilang idols. Bakit, ang feeling n’yo ba ay walang katapusan ang kasikatan ng idols n’yo. Malalaos din ang mga ‘yan sa TAMANG PANAHON!!!

ADVERTISING

 

BONGGA ANG It’s Showtime episode last Saturday na ginanap sa lonte Sports Arena sa Binan, Laguna. Nagpasikat ang buong cast sa pangunguna ni Vice Ganda.

Kaloka ang pasikat numbers nina Vhong Navarro at Eruption with Mini Me season one winner na si Nhikzy Vheench Calma. All muscled, graceful palang sumayaw itong si Eruption. Hindi nagpatalbog sina Jhong Hilario at Ryan Bang with Funny One winner na si Ryan Rems sa kanilang pasikat number with a lady from Binan. Tawa nang tawa ang audience sa kanilang comedy skit. Lalo pang naging kuwela ang lahat sa pagpasok pa lang ni Ryan na sobrang sikat na pala.

Pinalitan nina Kuya Kim Atienza, Teddy Corpuz, at Jugs Jugueta ang lyrics ng ilang kanta kasama ang That’s My Tomboy winner na si Epey Herher.

Hindi rin nagpakabog sina Anne Curtis at Vice Ganda na nakakaloka ang oversize wigs. Nakaw-eksena talaga ang dalawa bilang rival stars na nagpatalbugan sa kanilang number.

Napa-wow naman ang lahat sa fire dance ni Billy Crawford while Karylle was singing sa gitna ng pool with Pinasikat finalist na si Amok, The Fire Assassin.

We were surprised na tinilian si Angelica Yap (Pastillas Girl) when she was serenaded by Topher, Evan, Richard, Jomari, Michael, Bryan, and Mik. Si Topher ang pinakatinilian sa lahat.

Ang lakas din ng tili sa Kapamilya hunks na sina Edgar Allan Guzman, Dominique Roque, at Joseph Marco.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING