AlDub Nation, tahimik lang sa pagtatapos ng “Kalye Serye” nina Alden Richards at Maine Mendoza

ADVERTISING

AlDub Nation, tahimik lang sa pagtatapos ng “Kalye Serye” nina Alden Richards at Maine Mendoza

Alden Richards & Maine Mendoza
Alden Richards & Maine Mendoza

Last Saturday (September 3), huling hirit na ng “Kalye Serye” ng AlDub (Alden Richards at Maine Mendoza). Walang kaabug-abug, biglang tinapos ang portion ng dalawa kung saan dito nabuo ang “pagmamahalang showbiz” ng dalawa.

Pero matapos magpaalam, may pahabol na magbabalik din daw ang “Kalye Serye” na dahil sa pangyayari, ang AlDub fans ay natigagal.

Ano ang nangyari? Bakit nagkaganu’n? Pero may ilang Maine solid fans ang masaya sa nangyari, lalo pa’t hindi nila gusto si Alden para sa dalaga.

Maging ang solid Alden Richards, mas positibo ang pagtangap nila sa pagtatapos ng “Kalye Serye” last weekend dahil alam nila, mas uusad ang career ng idol nila ngayong wala na muna si Maine na nakabuntot sa karir ng nag-iisang “Dimples ng Bayan” na idol nila.

ADVERTISING

Sabi, magandang move na rin daw ito para sa dalawa para sa paghahanda ng sinasabing “teleserye” nila sa Kapuso Network, na until now ay hindi pa rin nasisimulan. Habang ang komentaryo ng mga faney na ayaw kay Alden, hindi na umano tanggap ng solid Alden fans ang sinasabing non-showbiz boyfriend ni Maine na nakasisira sa sinasabing “showbiz relationship” ng dalawa.

Balita nga namin, noong araw kung saan inamin ni Maine na “love” din daw niya si Alden, may kuwento sa likod ng pag-amin na ‘yun sa backstage.

From an insider, may nagparating na umayaw si Alden sa script na inabot sa kanya noong araw na ‘yun. Ayaw niyang sundin ang istorya ng admittance ni Maine sa serye.

“Ewan ko kung bakit inayawan ito ng binata. Pero mayroon something daw na si Alden lang ang nakaaalam,” sabi ng insider.

Sa katunayan nang iabot kay Alden ang script nang araw na ‘yun, umalma diumano ang binata sa ipinagagawa sa kanya.

As of presstime, ‘di pa namin alam kung plantsado na ang teleserye nina Maine at Alden. ‘Di rin alam ng insider namin kung magsisimula na ang dalawa o matutuloy pa ang serye sa telebisyon na kanilang-kanila lang talaga.

Pero last Saturday, parang tahimik ang social media sa mga AlDub Nation na walang ngalngal o protesta sa ginawang pagtatapos ng “Kalye Serye” ng dalawa.

Senyales ba ito? Abangan…

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING