AlDub Nation, excited na excited na sa pelikula nina Alden Richards at Maine Mendoza

ADVERTISING

AlDub Nation, excited na excited na sa pelikula nina Alden Richards at Maine Mendoza

Alden Richards & Maine Mendoza
Alden Richards & Maine Mendoza

Wala pa mang exact na playdate ang pelikulang ginagawa ng Phonemenal Love Team na AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza na halos ang kabuuan ay kinunan sa magagandang lugar sa Italy, marami na ang nag-aabang at excited na mapanood ito.

Ngayon pa nga lang ay super promote na ang AlDub Nation sa social media sa pelikula nina Alden at Maine na wala pang exact title.

Nagawa nga raw ng mga itong maging super mega blockbuster ang pelikulang “My Bebe Luv”, kung saan kasama lang ang AlDub sa said movie at sina Vic Sotto at Ai-Ai Delas Alas ang mga bida.

This time nga raw na solo movie na ito ng AlDub, titiyakin daw ng AlDub Nation na magiging super successful ang kauna-unahang pelikulang maglulunsad sa love team nina Alden Richards at Maine.

ADVERTISING

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING