AlDub movie, surprisingly beautiful at well-made

ADVERTISING

AlDub movie, surprisingly beautiful at well-made

Alden Richards & Maine Mendoza
Alden Richards & Maine Mendoza

Surprisingly beautiful and well-made ang pelikulang “Imagine You & Me” na pinagbibidahan nina Alden Richards at Maine Mendoza. Pumupuno rin ng kilig ang movie at tiyak lahat ng AlDub fans ay matutuwa kapag pinanood nila ang movie.

ADVERTISING

Nakadagdag pa sa ganda ng pelikula ang mga lugar sa Italy, kung saan kinunan ang kanilang mga eksena. Mas lalong naging romantic ang mga eksena at very refreshing panoorin dahil ibang lugar naman ang makikita mo sa screen.

Nag-succeed si Direk Mike Tuviera na pigain si Maine sa pag-arte. Maraming times na effortless ang kanyang pagpapatawa at klik ang kanyang mga punchline. Medyo hirap nga lang siya sa crying scene, pero forgivable na ‘yon kasi ‘di naman siya dramatic star.

As expected, effective si Alden sa role niya na supladong binata do’n sa first part ng movie dahil may pinagdaraanan nga siya, pero eventually ay naging lovable na rin naman ang karakter niya.

ADVERTISING

Sa first day ng pelikula nu’ng Wednesday, July 13, ipinakita ng AlDub Nation ang kanilang suporta para panoorin ang pelikula. Ayon sa report, ang haba ng pila sa mga sinehan. May mga magkakagrupo rin na inuulit ang panonood ng pelikula.

Congrats sa AlDub love team sa success ng “Imagine You & Me” pati na sa iba pang cast ng pelikula tulad nina Kakai Bautista, Cai Cortez, Jasmine Curtis, at Irma Adlawan.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING