AlDub, mino-monitor ng Dos ang bawat galaw

AlDub, mino-monitor ng Dos ang bawat galaw

Alden-Richards-Yaya-DubPINATAOB NG AlDub ang It’s Showtime na sumadsad sa pinakamababang rate na 5.3% against Eat… Bulaga!’s all time high na 40.8%. This data was based on the AGB Nielsen Rating Update: (August 17).

Actually, malakas ang bulung-bulungan na mino-monitor na ng Dos ang bawat galaw nina Yaya Dub at Alden Richards. Mukhang pinag-aaralan nila kung bakit click na click ito. Kahit na ano ang gawin nila kasi ay silat pa rin sila sa rating, talagang ipinaghampasan sila.

Obviously, ang AlDub ang inaabangan ng mga tao. Ang dami na ngang stories na kumakalat about the love team’s kasikatan. One professor even used AlDub sa kanyang exam. AlDub ang isasagot ng students kapag tama ang statement at Yakkie naman kapag hindi.

Nang lumabas ang isang fan ni Maine Mendoza sa kanilang kalye ay nakita niya ang naka-post na message: Kalyeserye # AlDub, Kilig Pa More!”

So, talagang minasaker na ng AlDub ang It’s Showtime.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas