May ‘Call for Boycott’ pa rin: AlDub fans, hindi pa rin maka-move on?

BAKIT hanggang ngayon ay may AlDub fans pa rin na tila hindi maka-move on?

Ito ang tanong namin nang makita ang weekly attempts ng ilang nagpapakilalang fans ng tambalang ALDUB nina Alden Richards at Maine Mendoza nang ipatrend nila ang mga hashtags na may konek sa pag-boycott diumano ng Eat Bulaga at ang weekly family sitcom na Daddy’s Gurl na pinagbibidahan nina Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza.

May 'Call for Boycott' pa rin: AlDub fans, hindi pa rin maka-move on?
Arjo Atayde and Maine Mendoza

Ang tsika, nag-umpisa diumano ang call for boycott nito nang mag-guest ang real-life boyfriend ni Maine na si Arjo Atayde sa programa. Naging posible ito dahil sa ngayon ay binibigyan ng kalayaan ang mga Kapamilya talents na mag-guest sa kabilang bakod basta magpaalam.

For ‘real’ Maine Mendoza fans ay isang magandang regalo ito. Hello, it is a rare opportunity! Pero para sa mga fans na hanggang ngayon ay bitter pa rin ay kung anu-anong kuda nila sa social media na kahit ang direktor ng programa na si Chris Martinez ay hindi nila tinantanan.

Napa-tweet na lang tuloy si Direk Chris ng kanyang hinaing sa mga ALDUB fans na every week na lang siya iniinis.

‘Hindi po ako takot. Busy lang. Sayang oras. At quota na ang mata ko sa mga kabastusang salita. Huwag mong isipin na kaya ko blinock kasi nakakatakot ka. Kaya ka nablock kasi bastos at istorbo ka. K bye.”

Kahit na may call for boycott sa Daddy’s Gurl ay hindi naman nila ramdam ito dahil consistent pa rin na mataas ang ratings nila at marami pa rin ang pasok ng commercial load.

May huling banat si Direk Chris: “Hindi na po ako makikipag-asaran sa inyo. Nagawa nyo na po ang gusto nyong gawin. Kami po ay magmo-move on na para harapin na ang mga bagong gawain. Sana makapag move on na rin kayo. Tapos na ang boksing.”

Work lang ngwork direk para sa ikauunlad ng Daddy’s Gurl!