AlDub, ‘di maikakaila ang tagumpay; Vice Ganda, tanggap na ‘di kayang pataubin

AlDub, ‘di maikakaila ang tagumpay; Vice Ganda, tanggap na ‘di kayang pataubin

Photo courtesy from Eat Bulaga Facebook
Photo courtesy of Eat Bulaga Facebook

EAT BULAGA’S Tamang Panahon concert at the Philippine Arena was, no doubt, a mammoth success. Expected naman kasi ‘yon, everyone saw it coming.

But what everyone didn’t seem to see coming ay ang maluwag na pagtanggap ng katapat nitong It’s Showtime.

How admirably candid of Vice Ganda para ianunsiyo on air na tanggap nilang mas namamayagpag ang EB kesa sa kanilang programa. After all, ang mas nakikinabang naman talaga sa kumpetisyong ito are essentially not the hosts of the respective shows themselves kundi ang mga manonood.

Kaya panawagan ni Vice Ganda lalung-lalo na sa mga netizens who pick up fights themselves on social media, kung sila nga itong mga It’s Showtime hosts are accepting of the fact na hindi nilang kayang pataubin ang AlDub mania, ‘yun din dapat ang kanilang maging attitude.

Sabihin na nating sablay ang ipinantapat ng kanilang programa na Pastillas Girl, somehow it had a following na tinutukan din ng mga viewers. Sadly though, It’s Showtime dismally failed to concoct the right formula.

Pero ibig bang sabihin ng failure na ito’y titigil na ang It’s Showtime sa pagbibigay-saya sa kanilang audience? All the more na dapat pa ngang pag-ibayuhin nito ang kanilang effort to churn out a much better entertainment na general audience—in the end—ang makikinabang.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III