Aldub craze, may magandang mensahe sa kabataan

ADVERTISING

Aldub craze, may magandang mensahe sa kabataan

Alden-Richards-Yaya-DubNAGING POSITIBO ang dating na ng Aldub craze na ito dahil sa magandang aral na ibinabahagi ni Lola Nidora.

ADVERTISING

Nu’ng nakaraang Miyerkules ay muntikan nang magkita sina Alden at Yaya Dub, pero hindi na naman natuloy dahil kinapos sa oras, hindi na naabutan ni Alden si Yaya Dub pagkatapos niyang punuin ng tubig ang maliit na swimming pool nila roon sa studio.

Napuno naman ni Alden, pero kinulang siya sa oras kaya hindi niya naabutan si Yaya Dub, naghabulan lang sila.

Ang mensahe nga ni Lola Nidora kay Alden, “Lahat ng bagay dapat pinaghihirapan, lahat ng bagay dapat pinagsusumikapan, at lahat ng bagay may tamang panahon.”

ADVERTISING

Sabi pa ni Lola Nidora, hindi porke’t nagkaka-text kayo, kayo na! Para talaga ito sa mga kabataan na ibang-iba na ang ligawan ngayon. At least, nagbigay ng magandang mensahe ito sa mga kabataan, at sa lahat na talagang tumututok sa Kalyeserye na ito.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING