Aldenatics, nagpa-block screening para suportahan ang ‘I Love You, Hater’ ni Kris

Kris Aquino with the Aldenatics (fan club of Alden Richards)

SOBRANG na-touched si Kris Aquino sa gestures ng supporters and friends ng Kapuso actor na si Alden Richards na nagpa-block screening ng pelikulang I Love You, Hater bilang suporta sa Queen of Social Media.

Ginanap ang block screening nung Wednesday sa SM Megamall na pinuntahan din ni Kris para personal na pasalamatan ang Aldenatics.

Isa lang ang naturang block screening ng Aldenatics for I Love You, Hater sa sunud-sunod pang block screening na nagaganap. We heard na dalawang sikat na Kapamilya actress ang nagpa-block screening din.

Second week na ngayon sa sinehan ng I Love You, Hater na pinagbibidahan din ng tambalang Joshua Garcia at Julia Barretto under the direction of Giselle Andres. Mas lumakas ang pelikula dahil sa power of word of mouth na nagsasabing maganda ito.

     Anyway, tapos na ang executive check-up  ng anak ni Kris na si Joshua sa St. Lukes. Nalaman na kung ano ang problema at kung bakit nagkaroon ito ng stomach problem ang binata. Hiling ni Kris sa kanyang followers at mga kaibigan na patuloy pa ring ipagdasal ang paggaling ni Joshua.

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleMeg Imperial, kinabahan sa ‘Jacqueline Comes Home’
Next articleSA PAGBABALIK NG TELESERYE QUEEN: Judy Ann Santos, may leading man na sa ‘Starla’!

No posts to display