Alden Richards, wala raw offer na 8-digit para mag-concert at P100-M para mag-endorse ng presidentiable

ADVERTISING

Alden Richards, wala raw offer na 8-digit para mag-concert at P100-M para mag-endorse ng presidentiable

Alden-RichardsITINANGGI NG Pambansang Bae na si Alden Richards na may 8-digit offer siya (P10 million minimum) offer Mula sa CCA Productions owner na si Joed Serrano para sana sa February 13 and 14 concert sa susunod na taon.

Kuwento nga ni Alden sa mismong  launching nito  bilang bagong endorser ng Snow Caps L-Glutathione capsule na ginanap sa Plaza Ibarra, Timog Avenue, Quezon City last Oct. 29, “Wala pa pong offer, hindi pa po lumalapit sa management.

Hinihintay lang niyang pormal na mag-alok sa GMA Artist Center si Joed? Sagot ng Kapuso star, “Kung meron naman po, why not? Mapag-uusapan pa. Willing naman po kaming pag-usapan.”

Pinabulaanan din ni Alden ang sinasabing P100 million offer sa kanila ng kanyang ka-loveteam na si Maine “Yaya Dub” Mendoza para mag-endorso ng isang tatakbong presidente sa 2016 elections.

ADVERTISING

“Hindi po totoo ‘yun. Wala pong lumapit to offer that much money. Ako po, personally, I really don’t want to endorse po. Kasi, kumbaga, let them be. Iba po ‘tong showbiz sa politics. I don’t wanna mix it po.”

At kahit nga maputi na ay gumagamit daw si Alden ng kanyang iniendorsong whitening capsule na Snow Caps L-Glutathione na isa ring dietary supplement. “Actually, ngayon pa lang po ako gumagamit, when I learned about Snow Caps. Before po kasi, mga multivitamins ang iniinom ko. At least ngayon po, meron nang pandagdag sa mga iniinom ko to boost my immune system. Kasi hindi lang naman siya whitening talaga. Ang glutathione is really an antioxidant. ‘Yung whitening is the good side of it. So, nakatulong lang din,” pagtatapos ni Alden.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING