Alden Richards, wala raw malisya ang pakikipaghalikan kay Bea Binene

ADVERTISING

Alden Richards, wala raw malisya ang pakikipaghalikan kay Bea Binene

Alden Richards, wala raw malisya ang pakikipaghalikan kay Bea BineneNGAYONG GABI na magsisimulang umere ang seryeng pinagbibidahan ni Sen. Bong Revilla. Kasama sa cast nito si Alden Richards na sa unang pagkakataon ay itinambal kay Bea Binene.

Si Alden ang gumaganap na young Indio habang si Bea naman ang younger version ng character na gagampa-nan din ni Maxene Magalona.

May kissing scene sila sa nasabing bagong fantasy series ng GMA 7. Pero sabi ni Alden, “Hindi naman dapat na malagyan ng malisya iyon. Kailangan kasi sa istorya. At bilang mga artista na gustong mapagbuti ang pagganap sa roles namin, susunod lang kami.”

Paano kung muli ay kailanganing maulit-ulit ang pagkakaroon nila ng kissing scene?

ADVERTISING

“Why not?” sabay tawa ni Alden. “Basta ako… for me, trabaho lang lahat. Wala po akong intention to ruin someone else’s personal life. Kasi that’s not my way of life.”

Wala raw dapat na ikabahala ang ka-loveteam at rumored boyfriend ni Bea na si Jake Vargas.

“Wala talaga siyang dapat na ipag-alala. Kasi I know naman na Jake and Bea are very special friends. And sinasabi ko talaga na wala, kasi ako kapag alam kong merong nabubuo at namumuo, I step aside. Hindi ako ‘yong nakikisawsaw. Hindi ako nakikisali. I make it work. Tumutulong pa ako to make it work better. Kumbaga, respeto lang.”

‘Yong JaBea fans nina Jake at Bea, nagri-react na. May mga hindi tanggap na si Alden ngayon ang kapareha ng young actress.

“Actually, may mga nari-receive nga po akong hindi magagandang comments sa Twitter. Tutol daw sila sa pagkakaroon ng kissing scene namin ni Bea. Pero I understand. Naiintindihan ko na normal lang na magkaroon ng gano’ng reactions ang followers o supporters ng mga loveteam kapag naipapareha ang idolo nila sa bago. Hindi maiiwasang mag-react negatively ang solid supporters. So, ako po talaga, sa kahit sinong nakakatrabaho ko ngayon, strictly trabaho lang. Wala po akong intention to ruin someone else’s loveteam. Or to ruin someone else’s personal life. Basta priority ko po, trabaho. Iyon na ‘yon!” nangiting sabi pa ni Alden.

 

Alden Richards, wala raw malisya ang pakikipaghalikan kay Bea BineneKINABAHAN DAW talaga si Bea Binene nang kunan ‘yong kissing scene nila ni Alden Richards sa Indio. Pero ikinundisyon niya ang kanyang sarili na bahagi lang ito ng kanyang trabaho na kailangan niyang magawa nang maayos.

“First kissing scene ko po kasi, eh,” aniya. “Nakakakaba po talaga. Opo. Kasi akala ko, puwedeng dayain ni Direk ‘yong gano’n. Actually sa script, dalawa pa nga ang nakalagay. ‘Yong isa hindi na natuloy. Kaya iniisip ko, baka wala na rin ‘yong isa. Nagulat na lang ako na bina-block kami ni Direk na… o, ito ganyan, kiss! Sabi ko, ‘Direk?!!!’ Napagano’n talaga ako!” natawang kuwento pa ng young actress.

Paano kung mag-click ang tandem nila ni Alden? Handa ba siyang iwan ang loveteam nila ni Jake kapalit ng bagong team up nila ng aktor?

“Ah, it’s up to GMA. It’s up to the management po kung anuman ‘yong gusto nilang gawin sa career ko. Because they know naman what’s best for me. Pero kung ako ang tatanungin, siyempre hindi. Kasi, ‘yon nga, Jake and I were very very close friends. At komportable kaming katrabaho ang isa’t isa.”

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING