Alden Richards, umaasang makasungkit sa Star Awards for Music

ADVERTISING

Alden Richards, umaasang makasungkit sa Star Awards for Music

Alden-RichardsNATUTUWA RIN daw si Alden Richards na mapabilang sa mga nominees ng kategoryang New Male Recording Artist of The Year sa nalalapit na 6th PMPC Star Awards For Music. Ito ay para sa kanyang self-titled debut album under Universal Records na nominado rin for Album Cover And Concept Design of The Year.

Gaganapin ang awards night nito sa September 14, Sunday at mapapanood naman sa Sunday’s Best sa ABS-CBN on September 21.

“Nagpapasalamat ako for the nomination. Sana makasungkit!” sabi ng aktor.

Halos walang pahinga sa trabaho ngayon si Alden Richards. Lagare kasi siya sa dalawang bagong shows niya ngayon sa GMA 7. Ito ay ang seryeng Ilustrado na tungkol sa buhay ni Dr. Jose Rizal at ang talent search na Bet Ng Bayan.

ADVERTISING

“Sobrang hectic ng schedule ng Bet Ng Bayan. I mean… tumatalon kami from one province to another everyday for the past two months. And ‘yong Ilustrado naman, we’re still shooting it. Ito nga… itim na itim ang buhok ko and medyo maiksi siya. Pero I’m very excited do’n sa mga nagiging output no’ng mga eksenang kinukunan namin.”

Ano ‘yong nakunan nang eksena na nahirapan siya?

“So far, wala pa kaming nakukunang mahirap na eksena. Pero do’n sa nabasa ko nang script, no’ng nagpunta na si Rizal sa Spain… nando’n lahat ng drama, e. Iyon ‘yong pinaka-heavy na parte ng buhay niya. Kasi ang layo niya sa pamilya niya na naghihirap sa Pilipinas. Tapos napu-frustrate siya dahil meron siyang mga gustong mangyari sa buhay na hindi niya maabot.

“‘Yong kinukunan namin ngayon, light pa lang. Kasi… nasa part na bata pa siya. Tapos ‘yong sa love story nila ni Leonor Rivera portrayed by Kylie Padilla.”

May ginagawang pelikula si Alden na pansamantalang nahinto ang shooting. Ito ay ang Cain At Abel kung saan kasama niya si Aljur Abrenica. Wala pa bang balita kung kailan sila magri-resume?

“Naka-pending pa siya. Kaya so far, do’n po muna ako naka-pocus sa Ilustrado at saka sa Bet Ng Bayan.”

May balitang iri-reshoot ang nasabing proyekto dahil aalisin umano si Aljur at papalitan ng ibang artista.

“Iyon po ang hindi ko alam.  Wala pa pong na-relay sa akin na news o latest update sa Cain At Abel,” panghuling nasabi ni Alden.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING