Alden Richards, type nang magpaka-daring!

ADVERTISING

Alden Richards, type nang magpaka-daring!

Alden Richards, type nang magpaka-daring!GUSTO NA raw kumawala ni Alden Richards  sa wholesome image at sumabak na sa mga medyo daring at sexy roles. Okey na rin daw sa kanya ang makipag-torrid kissing scene at makipag-lovescene?

“Okey lang po,” aniya nga. “Kasi, gusto ko na ring ma-try ‘yong ibang dimension of acting that requires ‘yong mga gano’ng klase ng eksena. Para lang po maka-experience ako ng ibang flavor kumbaga, sa acting. Kaya open na po ako sa gano’n. Pero sa ngayon, wala pa po namang gano’ng offer sa akin.”

Ano ang limitasyon niya pagdating sa ganitong bagay?

“Hmmm… sa ngayon naman po, parang wala. Wala naman po akong boundaries. Wala naman po akong limits, so far, sa mga naibigay po sa aking projects. Pero depende pa rin po. And… basta, kung makakaganda po sa trabaho ‘yong ipagagawa sa akin, okey lang po.”

ADVERTISING

Sa mga daring na eksena gaya ng torrid kissing scene o lovescene, sino ang wish niyang makapareha?

“Si Lovi Poe. Kasi si Lovi, napakagaling na artista. Napanood ko ‘yong Aswang. At gusto ko ring mapanood ‘yong pelikula niyang Guni-Guni. Nakita ko ‘yong potential niya as an actress… limitless. Lahat kaya niyang gawin. Lahat kaya niyang ibigay sa pagiging artista. So, sa mga gano’ng scenes na required ‘yong… lovescene, gusto ko si Lovi ang makapareha ko. Kasi I have the highest respect for her as an actress. Sob-rang galing niya.”

Meron ba siyang crush sa hanay ng mga young actresses ngayon?

“Naku!” sabay tawa ni Alden. “Concentrate muna po ako sa One True Love ngayon. So, baka ‘yong lovelife po comes after. Kasi mahirap pagsabayin. Pero ngayon, napi-feel ko na lumuluwag-luwag na ‘yong schedule ko. Baka puwede na pong isingit ang lovelife.”

Artista ba ang mas gugustuhin niyang ligawan kung sakali o isang non-showbiz girl?

“Kasi I’ve been meeting people outside and inside showbiz. Okey naman. Sa akin hindi naman big deal kung showbiz o non-showbiz. As long as okey ‘yong relationship. Pero siguro, come what may kung sino po ang dumating.”

Puwede rin kayang maging ang ka-loveteam niyang si Louise sakaling hindi mag-progress ‘yong napapabalitang magandang pagtitinginan nito at ni Enzo Pineda?

“Naku!” tawa ulit niya. “Masaya naman po silang dalawa ngayon, eh. So, suportado ko po silang dalawa. And siguro po, sa akin kung may dumating na sino man diyan, okey sa akin.”

Marami ring female celebrities ngayon na single. Sino kaya sa mga ito ang puwedeng masabi na interesado siyang maka-date o maka-close?

“Ah… parang lahat po kasi sila, busy rin sa career nila, eh. So, wala po akong masabi.”

Dati si Sam Pinto, napabalitang type niya, ‘di ba?

“Si Sam. Bihirang-bihira na rin kaming magkita. Sobrang busy niya sa shows ng regional TV ng GMA. Tapos sa Bubble Gang pa. Ako rin, busy sa soap… sa One True Love. Siguro ‘yong time namin for each other ang naging cause kung bakit kami medyo parang nagkalayo.”

So, kapag may pagkakataon na pareho silang hindi busy, puwede nang bumalik siya sa dating parang pagpaparamdam na niya kay Sam?

“Bakit po hindi? Why not?” sabay ngiting ending na nasabi ni Alden.

 

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING