Alden Richards at tsinuging stylist, nagkaayos na?

ADVERTISING

Alden Richards at tsinuging stylist, nagkaayos na?

 

Alden Richards at tsinuging stylist, nagkaayos na?
Alden Richards

MARAMI ANG NAGTATANONG kung naayos na ba ang gusot  ng stylist kay Alden Richards dahil sabay silang dumating sa birthday party ni John Lloyd Cruz?  Iisa kasi ang stylist  nina Alden at Lloydie.

 
Ayon sa aming source, hindi pa naman daw totally na naayos dahil nakikipag-usap pa sila. Naka-schedule na raw ‘yung kay John Lloyd kaya nagsabay na sila .Pero,  hindi nila pinag-usapan ‘yun dahil management na rin ang kausap ng stylist. 
 
Hindi rin nagtatanim ng galit si Alden dahil sobrang mabait na tao ito kahit na-bash siya sa kanyang suot sa Mega Event.
 
Iniintriga rin ang presence ni Alden sa social media na siya lang ang taga-GMA na bisita ni Lloydie.Paano raw naging close ang dalawa? Naku, si Alden pa, hindi uso sa kanya ang network war at palakaibigan sa lahat.

 

‘Yan Tayo,eh!
By Roldan Castro

ADVERTISING