Alden Richards, to the rescue kay Maine Mendoza laban sa mga naninira

ADVERTISING

Alden Richards, to the rescue kay Maine Mendoza laban sa mga naninira

Alden Richards and Maine Mendoza
Alden Richards and Maine Mendoza

Sunud-sunod na paninira ang ipinupukol sa ka-tandem ni Alden Richards na si Maine Mendoza.

Kung anu-ano nga raw tsismis ang ibinabato sa sensational star na nakilala bilang ‘Yaya Dub’ sa kalyeserye ng “Eat… Bulaga!”.

Nandoon na may nagpapakalat raw na maldita si Maine kapag nakatalikod na raw ang kanyang fans. Kesyo gumagamit raw ng alcohol matapos makamayan ng mga fans.

Nakarating sa AlDub Nation ang pambabatikos kay Maine kaya todo-tanggol ang mga ito para kanilang iniidolo.

ADVERTISING

Apektado raw si Maine sa mga paninira dahil hindi pa ito sanay sa mga pambabatikos na ordinaryong nangyayari sa mga artista lalo na roon sa mga baguhan na biglang sikat.

To the rescue si Alden Richards sa ka-love team para protektahan si Maine Mendoza at para hindi ito masyadong masaktan sa mga imbentong paninira.

“Hindi ko nga po malaman kung bakit ang dami-dami nilang sinasabi against Maine. To think na mas lagi ko po siyang nakasasama. Mas kilala ko po siya. Sana itigil na nila ‘yun. Kasi wala naman silang proof, eh,” pagtatanggol ni Alden kay Maine.

Laging sinasabi ni Alden kay Maine na huwag na lang nitong pansinin ang mga negative comment sa kanya. Dinaanan na rin kasi ni Alden ang nangyayaring pamba-bash at hindi na lang daw nito binigyan ng panahon.

“Sinasabi ko na lang sa kanya na lilipas din ‘yan. Ganoon talaga sa simula. At the end of the day, mapapagod din ‘yang mga ‘yan, eh. Titigil din sila,” say pa ni Alden.

Sabi nga kapag hinog ang bunga ay pilit na pinipitas.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING