Alden Richards, tinanggihan ang isang show sa Singapore

ADVERTISING

Alden Richards, tinanggihan ang isang show sa Singapore

Alden-RichardsSTRIKE WHILE the iron is hot. Make hay while the sun shines.

ADVERTISING

Practically, ito ang ginagawa ngayon ni Alden Richards sa kanyang career: but wait, shouldn’t he slow down a bit?

In fairness to his manager, ito ang payo niya sa kanyang alaga. Imagine doing a show Mondays to Saturdays. At sa dapat sana’y araw na ng kanyang pahinga—Sunday—ay nagtatrabaho pa rin siya. In between, Alden appears in Starstruck.

May kung ano yatang pinagkukunan ng stamina ang binansagang Pambansang Bae, bukod kasi rito ay ang dumarami niyang commercial shoot, may schedule pa siya that he has to devote para sa kanyang MMFF entry.

ADVERTISING

Idagdag pa ang kanyang provincial at out-of-the-country shows.

But Alden wouldn’t heed his manager’s advice. “Gusto naman niya ‘yon, eh. Hindi nga siya napapagod.”

Concerned as we are sa napapagod din namang katawan ni Alden, here’s one young actor worthy of emulation mula sa maraming artista his age. Hindi dahil sinasamantala niya ang proverbial iron or hay while at the peak of his career, but Alden’s work ethic na sinahugan pa ng magandang pag-uugali way beyond his good looks.

Dinig namin, kinailangang tanggihan ng kanyang kampo ang isang show sa Singapore dahil fully booked na ang kanyang schedule until early 2016.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING